February 16, 2024

Ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ay nakatakdang magbigay ng pagsasanay sa higit sa 52,000 na mga rice farmers at kanilang mga dependents sa bansa sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund – Rice Extension Services Program (RCEF-RESP) scholarship program.

Ayon kay TESDA Director General, Secretary Suharto T. Mangudadatu, prayoridad ng ahensya ang mga kurso nito sa agrikultura dahil naniniwala siya na ang pagpapabuti sa mga kasanayan ng mga magsasaka ng bansa ay tiyak na makakatulong sa pagkamit ng seguridad at sapat na suplay ng pagkain.

"We have always given focus on the agriculture industry in our scholarship offerings, and we will keep collaborating with public and private organizations to give our rice farmers access to skills development and employment possibilities,” ani Secretary Mangudadatu.

Matatandang binigayng diin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na patuloy na pinapalakas ng gobyerno ang kakayahan ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng modernong kaalaman sa pagsasaka.

"Ang ating pagtutulungan na mapaunlad ang ating sektor ng agrikultura ay isa lamang sa mga pangunahing hakbang tungo sa pagbuo ng isang Bagong Pilipinas – kung saan walang nagugutom at lahat ay masigabong kumikilos para sa mas masaganang kinabukasan," sabi ni Pangulong Marcos.

Sa ilalim ng Rice Liberalization Act, ang TESDA ay inatasang magbigay ng pagsasanay sa mga magsasaka ng palay sa bansa sa ilalim ng programa nito sa extension services, kasama ang Philippine Rice Research Institute (PhilRice), Philippine Center for Post-Harvest Development Mechanization (PhilMech), at ang Agricultural Training Institute (ATI).

Noong Setyembre 2019, inilabas ng ahensya ang mga gabay sa implementasyon para sa RESP, na ipatutupad ng mga probinsyal at rehiyonal nitong tanggapan.

Sa ilalim ng RCEF-RESP, nag-aalok ang TESDA ng mga kurso tulad ng Farm Field School on Production of High-Quality Inbred Rice and Seed Certification and Farm Mechanization, Rice Machinery Operations, Drying and Milling Plant Servicing NC III, Agro-entrepreneurship NC II, Pest and Nutrients Management, at Digital Agriculture Course in the Farm Field School (FFS).

Mula 2020 hanggang 2023, nagbigay ng pagsasanay ang TESDA sa kabuuang bilang na 174,296 mga magsasaka ng palay sa buong bansa.

Samantala, hinihikayat ni Secretary Mangudadatu ang mga magsasaka sa bansa na samantalahin ang pagkakataong ito upang matuto ng makabago at mas mabuting paraan ng pagsasaka sa tulong ng siyensya at teknolohiya.

“There are new developments in science and technology that our farmers can learn to help them increase their yield and reduce their cost. I am very optimistic that it is through these advancements that we can help the nation attain food security. I encourage all our rice farmers and their dependents across the country to take advantage and avail of our training programs under the RCEF-RESP,” ani Secretary Manudadatu.



Responsive image