March 21, 2019
Unti-unti nang natutugunan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang kakulangan ng mga construction skilled workers para sa Build Build Build Infrastructure projects ng bansa.
Nitong Miyerkules , Marso 20, tinanggap ni TESDA Director General Secretary Isidrp S. Lapeña sa TESDA Office sa Taguig City ang may 37 mula sa kabuuang 45 construction skilled workers mula sa lalawigan ng Capiz na itatalaga sa mga Build Build Build projects ng gobyerno.
Ang nasabing mga manggagawa ang ikalawang batch mula sa kabuuang 166 skilled indibidwal mula sa Capiz, na direktang ni-recruit ng D.M. Consunji, Inc. (DMCI), isa sa mga pangunahing construction companies sa Pilipinas , sa isinakatuparang TESDA-
“We welcome our new addition to the country’s human resource pool. This affirms TESDA’s commitment to provide skilled construction workers to complement the labor force requirements of the Build Build Build program of the administration,” ani Lapeña.
Ang SRA ay isang stratehiya na ginagamit ng TESDA upang matulungan ang mga mangagawa na mahanapan ng employers mula sa kinaukulang industriya . Madali itong iorganisa kaysa job fairs, ang SRA ay nilalahukan ng maliit na bilang ng mga employers at nagbubunga ng magandang bilang ng hired-on-the-spot personnel.
Nagsagawa rin ng katulad na SRA, sa mga lalawigan ng Aklan at Negros Occidental sa Western Visayas.
Ang naunang batch ng 15 construction workers mula sa Capiz ay dumating noong Marso 11 at ngayon ay nagtatrabaho na sa iba’t ibang proyekto ng DMCI, kung saan ito ang responsible para sa maraming bilang ng kontrata sa ilalim ng Build Build Build program.
Ayon kay TESDA Capiz Provincial Director Abdel Bakri S. Hajan, ang natitirang 106 katao ay nag-aayos na ng kanilang mga employment documents, sakaling matapos ito ay hihilingin na sa kanila na kumuha ng kanilang mga medical certificates.
Ang mga manggagawa mula Capiz ay magkahalong bagong technical vocational (tech-voc) graduates at may mga karanasan na sa carpentry, masonry, tile setting, mga steel works at ang iba’y may multiple qualifications.
Ang nasabing bilang ng mga tech-voc graduates ay produkto ng dalawang institusyon, St. Peregrine Institute (SPI) at Golden Heroes School of Trade (GHST), na dating nagsagawa ng mobile training courses sa lalawigan. Ang Mobile Training Programs ay registered TESDA courses kung saan ang mga mobile training laboratories ay karaniwang inilalagay sa mga malalayong lugar sa bansa.
“Most of the workers are already TESDA certified with the necessary National Certificates (NCs). We have also encourage those who have not yet undergone assessment to secure their respective NCs,” pahayag ni Hajan.
Samantala, iniulat ng TESDA-Region 10, na mayroon silang 183 scholars sa Pipefitting NC ll na nagtatrabaho ngayon sa iba’t ibang construction companies sa Bukidnon. At sa pakipagtulungan din sa Monark Foundation, Inc. sa Misamis Oriental, ang regional office ay nagdaos ng two-year Heavy Equipment Servicing training program nitong Pebrero na nagbunga ng 36 graduates na kaagad na isinabak sa iba’t ibang kompanya sa Cagayan de Oro at mga kalapit na lalawigan.
Samantala, ang TESDA NCR ay magdaraos ng isa pang SRA sa 3rd week ng Abril sa Manila para sa may 100 trainees sa scaffolding at masonry na iha-hire ng ka-partner na R.A. Ignacio Construction (RAICON), isang kompanya na nag-specialize sa general engineering services at registered contractor sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Iniulat din ng Region 7 na ang kanilang 61 graduates sa Heavy Equipment Operation (bulldozer at hydraulic excavator) NC ll ay nagatatrabaho na sa iba’t ibang kompanya sa nasabing rehiyon.
Ang TESDA-Region V ay nagsagawa rin ng Synchronized Job Matching Activities noong Marso 8 sa mga lalawigan ng Albay, Camarines Norte, Catanduanes, Masbate, at Sorsogon, at noong Marso 12 sa Cam,arines Sur. Mahigit sa 40 construction companies, paaralan, at training centers ang nag-alok ng mga construction related programs sa mga lumahok sa nasabing kaganapan.
“These initiatives by TESDA show that we are committed not only to provide more skills training but we are also helping them find employment or means of livelihood when the trainings are done,” dagdag pa ng TESDA chief.
Nauna rito, iniulat ng TESDA na nakapagtala ito ng 234,546 graduates sa kontruksiyon at construction-related courses noong 2018 sa buong bansa,na mas mataas kaysa sa 83,649 graduates noong 2017.
Ang tumataas na bilang ng mga graduates ay bunsod nang pagdami ng training programs para sa sector kung saan may mahigit pa sa 600 bagong programa ang nakarehistro at sinimulan nang ipatupad noong 2018. Ito ay nangangahulugan na umaabot na sa 3,049 ang construction at construction-related tech-voc programs.
Share this page