March 7, 2019
Nagbigay ng katiyakan ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa publiko na lahat ng reklamong ibinabato at mga “requests” sa ahensiya ay 100% na agarang natutugunan.
“The complaints were transmitted to the concerned TESDA offices for appropriate actions and all those were immediately acted upon. I am happy to report that TESDA achieved 100% resolution of complaints received," ayon kay TESDA Director General, Secretary Isidro S. Lapeña.
Dahil rito, natamo ng ahensya ang “Very Satisfactory rating” mula sa mga kliyente noong 2018.
Taong 2018 din nang pinuri ng Assistant Secretary ng Presidential Complaint Center (PCC) ang TESDA sa mabilis nitong pagtugon sa mga kahilingan ng mga kliyente sa Region III noong Setyembre at sa Region Xll noong Oktubre.
Base sa isinumiteng summary report ng TESDA Customer Satisfaction Committee para sa buwan ng Enero 2019, umabot sa 6,442 ang mga kliyente na nabigyan ng katugunan sa kanilang iba’t ibang feedback, reklamo o kahilingan.
Ang mga ito ay nagmula sa iba’t ibang modalities gaya ng telephone calls, short messaging system (SMS), emails, mails, Public Assistance and Complaint Center (PACC), Civil Service Commission Contact Center ng Bayan (CSC-CCB), 8888 Citizens' Hotline and Complaint Center at sa Presidential Complaint Center (PCC).
Sa nasabing bilang, 3,008 ang mula sa text messages; 1,344 galing sa tawag sa telepono; Emails, 456; Facebook, 954; at, PACC, 683.
“Mahalaga ang feedback ng ating mga kababayan. Ang mga rekalamo ng ating mga stakeholders, kahit anonymous, ay binibigyang-pansin ng TESDA. This is one way of improving the quality of service given by TESDA. I have reminded our officers to handle all complaints efficiently through our Customer Satisfaction Management System Procedures Manual,” ani Lapeña.
Ang mga reklamo at feedback dagdag pa ni Lapena ay pinagmumulan ng positibong pagbabago para sa mas maayos at kalidad na serbisyo.
Share this page