March 4, 2019
Opisyal na inihayag ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Board sa pamumuno ni Secretary Isidro S. Lapeña ang 20 bago at sinusugan na mga Training Regulations sa Automotive, Construction, Information and Communication Technology (ICT), at Tourism.
Sa 20 bagong promulgated TRs, dalawa dito ang bago at maituturing na mas pinagbuti pa- ang Electric Power Distribution Operation and Maintenance (EPDOM) NC lll at NC lV.
Ang pagbuo ng mga TRs nito ay nakatuwang at ayon sa konsultasyon sa National Electrification Administration (NEA) at alinsunod sa pangangailangan ng Manila Electric Company (Meralco) at mga electric cooperatives sa bansa.
Level-up na maituturing ang nasabing TRs dahil pang-supervisory positions na ang mga magiging trabaho ng mga graduates ng EPDOM NC lll at NC lV.
Kabilang din sa inamyendahang TR ay ang mga sumusunud:
Sa ilalim ng Automotive and Land Transportation ay Automotive Servicing NC l;
Construction: Masonry NC l, Masonry NC ll, Masonry NC lll, Pipefitting (Metallic) NC ll, Tile Setting NC ll, Scaffolding Works NC ll (Supported Type Scaffold), Carpentry NC ll, at Carpentry NC llI;
Electrical and Electronics: Electric Power Distribution Line Construction NC lI at dalawang bagong, EPDOM NC lIl at NC lV;
Information and Communication Technology (ICT): Animation NC ll, 2D Animation NC lll, 3D Animation NC lll, Visual Graphic Design NC lll at Web Development NC lll;
Tourism: Food and Beverage Services NC lll at NC lV; at,
Technical Vocational Training and Education (TVET) Trainers Methodology Level 1 (In-Company Trainer).
Ang mga TRs ay naglalayon na tugunan ang mga pangangailangan ng mga employers gayundin ang pagsusulong sa mga kakayahan na agad na makakuha ng trabaho na environment-friendly at sang-ayon sa pangangailangan ng industriya. Layunin din ng mga TR ang lalong mapatatag ang industry-academe linkages upang matugunan ang “skills-job mismatch” sa mga critical sectors.
Ang mga bagong promulgated TRs ay may pinagsama-samang 21st Century Skills para sa lahat ng mga kwalipikasyon o kurso, gaya ng Learning and Innovation, Critical Thinking and Problem Solving, Information and Technology, Entrepreneurship, Life and Career Skills, Environment Literacy, Occupational Health and Safety, Communication, at Teamwork and Collaboration.
Bilang karagdagan, inihayag din ng TESDA ang 73 bago at sinusugang assessment fees na ibinase sa pagtutuos na binalangkas ng National Tax Resource Center (NTRC) at sa umiiral na inflation rate.
Sa ngayon, umaabot na sa 101 ang updated at promulgated na assessment fees nitong December 2018 at sa kasalukuyan ay nilalapatan na rin ng kaukulang assessment fees ang iba pang nire-review at panibagong binubuo na TR.
Ang mga TRs at Assessment Fees ay pinag-aralan at inamyendahan sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang industry partners, kasaping organisasyon, at mga ahensiya ng gobyerno.
Upang matiyak na ang mga TRs ay magamit, inatasan ni Secretary Lapeña ang lahat ng Regional, Provincial at District Directors na manghikayat at magsagawa ng registration at re-registration ng mga nabanggit na training programs.
Share this page