February 20, 2019
Inatasan ni TESDA Director General, Secretary Isidro S. Lapeña ang lahat ng regional at provincial directors na kontakin at hikayatin lahat ang mga graduates ng construction-related training mula TESDA at iba pang accredited schools upang tumulong sa paglutas sa mga naantalang Build, Build, Build program ng gobyerno.
Ito’y maliban sa kailangan pang pasiglahin ang pagbibigay ng pagsasanay ng ahensya at ng mga training institutions sa nasabing sector, ayon kay Lapeña.
Batay sa tala ng TESDA, mayroong 234,546 graduates sa konstruksiyon at construction-related courses noong 2018, mas mataas ng 83,649 graduates noong 2017.
"This is a strong number that we can tap and hopefully, this will beef up the construction of projects and halt further delay," ani Lapeña.
Kamakailan, inutusan ni Presidente Rodrigo Roa Duterte ang TESDA na magsanay ng marami pang mga manggagawa sa larangan ng konstruksiyon. Ang kakulangan umano ng mga skilled workers ang nagiging sanhi nang pagkakaantala ng ilang infrastructure projects ng gobyerno sa ilalim ng Build, Build, Buid program.
“We have seen an increase of more than 180% at the end of 2018 in the number of graduates for construction and construction-related courses from the previous year’s numbers," pahayag ni Lapeña.
Aniya, ang pagtaas ng bilang ng mga graduates ay dahil umano sa tumataas na bilang ng mga registered training programs para sa nasabing sector. Mayroong 693 bagong registered programs para sa konstruksiyon, na bumubuo ng may 23% nang kabuuang 3,049 ng construction and construction-related registered programs.
Ang TESDA ay nakapag-certified din ng 279,237 manggagawa sa nasabing sector noong 2018, na mataas sa 71,808 na na-certified noong 2017, ang itinaas ay halos 300%. Ang nasabing pagtaas ay bunsod nang free assessment na ibinigay noong nakaraang taon ng ahensiya, na nakapag-assess at nakapag-certify din ng mga mangagawa na nadagdag sa bagong tech-graduates.
Sa kasalukuyan, mayroong 5,800 trainees ang naka-enroll sa iba’t ibang contruction-related training programs gaya ng Carpentry, Construction Painting, Electrical Installation and Maintenance, Welding, Heavy Equipment Operation, Instrumentation and Control Servicing, Masonry, Pipefitting, Plumbing, PV Systems Installation, Scaffold Erection, Shielded Metal Arc Welding, Technical Drafting, at Tile Setting.
Binigyan-diin ng Pangulo na ang mga skilled workers ay nag-a-abroad sa halip na maghanap ng trabaho sa bansa. Ayon pa sa Pangulo, ang mga mamamayang walang trabaho ay dahil sa kawalan ng qualifications at skills.
“We agree with the President’s statements that the shortage of workers may be due to a large number of them going overseas, where wages are significantly higher. In the country, the construction jobs available that offer higher compensations are those for highly specialized occupation like engineers and architects,” paliwanag ni Lapeña.
Ang mga construction workers sa bansa ay umaasa na makakatanggap ng minimum daily wage na mababa pa sa P500, depende sa kanilang karanasan at skill levels, at karamihan sa trabaho na iniaalok ay walang security tenure dahil karamihan sa kanila ay project-based.
“There is a need to adjust wages and benefits in the sector to attract more applicants and trainees. Construction work requires skills and entail significant risk, and unfortunately often considered as ‘dirty, dangerous and difficult’. We should start to make these jobs more attractive, otherwise we stand to lose valuable human resource to other industries or even to other countries,” ayon kay Sec. Lapeña.
Patuloy ding pinapalakas ng TESDA ang pakikipag-partner nito sa mga industriya para sa maayos na pagbibigay ng training at matiyak na magtutugma ang itinuturong kasanayan sa requirements at standards ng mga employers.
Maliban dito, ang ibang stratehiya ay gaya sa panghihikayat sa mga industriya na lumahok sa dual-training at enterprised-based training, gayundin ang pagpapatupad ng training-cum-production schemes upang mapaganda ang exposure ng mga trainees sa aktuwal na work environments.
Sa idinaos na Focused Group Discussion (FGD) sa Skills Requirements for the Build Build Build Program na isinakatuparan ng TESDA noong 2018, iba’t ibang stakeholders sa construction at iba pang kaugnay na sector ay tumulong sa pagtukoy ng mga skills na kailangan ng programa. Ang mga mahihirap mapunan na posisyon sa sector ay kinabibilangan ng leadman, foreman, heavy equipment operators (mixer, bulldozer, paver, mobile crane), sheet filing operators at vibro machine operators.
Tinukoy din ng mga FGD participants ang mga manggagawa na higit na kailangan ng programa ay ang riggers, Hydraulic operators, masons, steel men/workers, carpenters, plumbers, heavy equipment mechanics, scaffolders, riggers, surveyors, at spotters.
Tinarget din ng TESDA na magkaroon ng training interventions sa mga pinamababang grupo ng lipunan gaya ng mga mahihirap, walang kakayahan at hindi nakapag-aral bilang bahagi ng temang “TESDA, Abot Lahat” direction.
“We would like to provide access to training to as many of our kababayan as possible, especially those who have the least chance of getting trained and yet with the proper skills training, they will possibly find employment or other means of income,” dagdag pa ni Lapeña
Ang mga Construction at construction-related qualifications ay kinabibilangan ng Masonry, Carpentry, Tile Setting, Plumbing, Scaffold Erection, Pipefitting, Electrical Installation at Maintenance, Welding, and Heavy Equipment operation, at iba pa.
Share this page