February 3, 2019
Pagkakaroon ng tiyak na trabaho at pangkabuhayan para sa mga technical and vocational education and training (TVET) graduates ang pangunahing layunin ng Omnibus Guidelines for 2019 TESDA Scholarship Programs.
Ito ang binigyan-linaw ni TESDA Director General, Secretary Isidro S. Lapeña, sa kanyang mensahe sa idinaos na “Orientation on the Omnibus Guidelines for 2019 Scholarship Programs” ng ahensiya.
Ang mga scholarship programs ng TESDA ay kinabibilangan ng Training for Work Scholarship Program (TWSP), Special Training for Employment Program (STEP), Private Education Student Financial Assistant (PESFA) at ang Universal Access to Quality Tertiary Education (UAQTEA).
Ang nasabing guidelines ay iniayon alinsunod sa hangarin ni Lapeña na sa pagpapatupad ng TESDA scholarship programs ay mabigyan ng trabaho at pangkabuhayan ang mga TVET scholars pagkatapos ng kanilang pagsasanay.
“Gusto ko lang bigyan-diin ang nais ko sanang mangyari sa training programs natin. It should be training then a job or livelihood after, because that is the purpose of training,” paliwanag ni Lapeña.
Ayon kay Lapeña na kung may mga lumalapit sa kanya at humihingi ng scholarship slots, “Sinasabi ko, 'give me the list (pangalan ng estudyante) and the work after'. Kung wala 'yon, I will not consider giving them slots, dahil hindi ma-aachieve ang purpose ng TESDA kung walang trabaho ang mga graduates.”
Nais din nito na bigyan ng prayoridad ang mga pinakamahihirap na sector ng lipunan upang magkaroon sila ng maayos na trabaho at magandang buhay. Ito ay naaayon sa slogan ng ahensiya na “TESDA, Abot Lahat”.
“We must win the hearts and minds of the people through TVET as a solution for stamping out poverty. What TESDA does directly impacts the lives of the people,” ani Lapeña.
Upang maisakatuparan ang magandang balakin, saklaw at sakop sa bagong guidelines ng scholarship programs ang mga registered TVET programs lalo na ang mga nasa ilalim ng mga key employment generators (KEGs) gaya ng Agri-Fishery/Agri-Business/Agro Industrial, Tourism, Information Technology-Business Process Management (IT-BPM), Semi-Conductor and Electronics, Automotive, Logistics, General Infrastructure, at bago at mga umuusbong na sector.
Ang mga TESDA Regional Offices (ROs) ang mamamahagi ng nakalaang pondo sa Provincial Offices (POs) base sa kanilang PSPs (Provincial Skills Priorities), R/PTESDPs (Regional/Provincial Technical Education and Skills Development Program), KEGs, absorptive capacity ng mga TVIs/enterprises, new and emerging industries, at pinakahuling “labor force participation data” ng bawat rehiyon at probinsiya.
Ang criteria naman sa pagpili ng TVIs na bibigyan ng scholarship slots ay ibabase sa kanilang absorptive capacity, utilization rate, at employment rate. Ang employment rate ng mga graduates ay dapat na nasa 60% sa loob ng isang taon. Pagbabasehan din ang magiging report ng National Inspectorate for Scholarship Program (NISP) sa pagbibigay ng scholarship slots sa mga TVIs.
Ang mga TVIs na may local or international recognition, certification o awards (tulad ng STAR Rating, Asia Pacific Accreditation and Certification Commission (APACC), at iba pa) ay bibigyan ng karagdagang batches ng scholars. Bibigyan din ng priyoridad ang mga iskwelahan na may mga recognized Diploma-level training programs.
Oobligahin din ang mga technical vocational institutions (TVIs) na maghanap ng industry partners upang mabigyang katiyakan ng trabaho o livelihood ang mga trainees pagkatapos ng kanilang pagsasanay.
Upang maiwasan ang anomalya, obligado ang mga TESDA ROs/POs na higpitan ang pag-monitor sa mga training programs upang matiyak na talagang may nagaganap na training at may dumadalong trainees sa training. Kailangan din ang pag-publish at pag-post online ng listahan ng graduates.
Papatawan ng kaparusahan para sa paglabag sa mga alituntunin na ito alinsunod sa provision ng Unified TVET Program Registration and Accreditation System (UTPRAS) guidelines ng TESDA.
Share this page