December 2, 2018
Pahuhusayin at palalakasin ng Technical Education and Skills Development Authority ang kapasidad ng gender and development (GAD) system at mga focal personnel sa technical vocational education and training (TVET).
Ang nasabing layunin ay tatalakayin sa idaraos na 3-day GAD Focal Point System (GFPS) Assembly na gaganapin sa Green Sun Hotel, Makati City sa darating na December 4-6 taong kasalukuyan.
Simula noong 2013, ang TESDA ay nagdaraos ng kanilang Annual GFPS Assembly, na sinusuportahan ng Director General at ng GAD Focal Point System-Executive Committee (GFPS-ExeCom) na naglalayon na higit na paunlarin ang kapakinabangan ng GFPS ng ahensya.
Si TESDA Director General, Secretary Isidro S. Lapena, ay magbibigay ng mensahe sa nasabing aktibidad habang si Deputy Director General for Policies and Planning at Chair ng GFPS-Executive Committee, Rosanna A. Urdaneta, ang magde-deliver ng welcome remarks.
Hangarin na maabot sa gaganaping assembly ang kapasidad ng TESDA GFPS at GAD focal persons sa gender analysis, gender mainstreaming at bagong mga polisiya hinggil sa GAD planing and budgeting at pagtalakay sa naging resulta ng Gender Mainstreaming Evaluation Framework (GMEF) ng TESDA Central Office.
Sa gaganaping pulong din pag-iisahin ang draft ng 2020 GAD Plan at pagbalangkas ng budget base sa GAD Framework at 5-year GAD Agenda ng TESDA. Ang mga inaasahang outputs ay mapalawak ang kaalaman at GAD competencies (gender analysis and GAD Planning and Budgeting) ng TESDA GFPS at GAD focals; at ma-validate ang mga resulta ng GMEF sa maga regional GAD focals.
Inaasahang lalahok sa 2018 GFPS Assembly ang higit sa 70 katao na karamihan ay mula sa TESDA Central Office at sa mga TESDA Regional Offices.
Ang taunang GFPS Assembly ay nakasaad sa mandato ng Magna Carta of Women (RA 9710) at Joint Circular No. 2012-01 ng Philippine Commission on Women’s (PCW) at Deparment of Budget and Management (DBM). Ang aktibidad ay tinawag na isa sa mahalagang elemento sa GAD Planning at Budgeting ng TESDA.
Ang TESDA sa pamamagagitan ng GFPS nito, ay kumikilos upang maisakatuparan ang gender-fair technical vocational education and training (TVET), subalit makakamit lamang ito kung papadaliin ang gender mainstreaming endeavours o mga hakbangin ng ahensiya.
Kailangang pahusayin ang TESDA GAD Plans at Budgets (GPB) sa Central Office at mga Regional Offices habang tinatarget na makamit hindi lamang ang mga outputs kundi ang mahalagang resulta ng GAD at nangingibabaw na pagbabago sa mga kliyente, beneficiaries at sa buong organisasyon.
Bunsod nito, ang TESDA-GFPS sa pamamagitan ng TESDA Women’s Center (TWC) bilang GAD secretariat, nagpanukala na magdaos ng 2018 GAD Focal Point System (GFPS) Assembly para makapagbigay ng dagdag na bahagi sa “twin goal” ng gender equality at women economic empowerment.
Ang pangunahing gawain ng GAD sa TVET ay direktang nakatuon sa pagbuo ng kamalayan sa gender equality upang mapalago ang paglahok ng mga kababaihan sa technical vocational education and training.
Share this page