November 18, 2018
Nagkaisa ang mga miyembro ng Association of South East Asian Nations Plus Three (APT) a magtulungan para palakasin at pasiglahin ang pakikipagtulungan ng mga industriya/employers sa pagbuo ng mas mataas na antas ng kuwalipikasyon para sa technical vocational education and training (TVET).
Ito ay napagkasunduan sa idinaos na 2-day “Conference on Sharing Best Practices on Harnessing Industry Involvement in Development of Higher Level Qualifications” na inorganisa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) nitong Nobyembre 7-8, 2018 sa Dusit Thani Manila.
Ang kumperensiya ay dinaluhan ng tatlong kinatawan mula sa bawat miyembro ng ASEAN Plus Three (APT) countries na kinabibilangan ng isang TVET institution head; government policy-maker mula sa ministry na namamahala sa TVET; at kinatawan ng private sector mula sa industry o labor na masugid na tagasuporta ng alinman sa apat na areas ng TVET.
Ang mga bansa na lumahok ay Cambodia, China, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Philippines, South Korea, Thailand at Vietnam. Lumahok rin ang mga opisyal ng Philippine Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Labor and Employment (DOLE), TESDA at mga kinatawan ng ASEAN Secretariat.
Sa kanyang welcome message binigyan-diin ni TESDA Director General, Secretary Isidro S. Lapeña, na ang nasabing kumperensya ay katuparan ng konsepto na binuo noon pang 2015 bilang tugon sa rekomendasyon ng East Asia Vision Group (EAVG) II Report para mag- “undertake strategic programmes to produce a competent and well-equipped labor force”. Ang TESDA ay itinalaga ng DOLE na maging focal agency para manguna sa pagsasakatuparan ng mga proyekto bilang suporta sa nasabing rekomendasyon.
Aniya, ang pangunahing layunin ng kumperensya ay alamin ang kahalagahan ng “industry involvement”para matiyak na napapanahon at nakahanda sa kumpetisyon ang mga manggagawa sa gitna ng mga pagbabago sa global landscape lalo na sa pagdating ng Fourth Industrial Revolution (4lR).
“This conference shall look into industry involvement in ensuring the relevance and competitiveness of our workers in the midst of changes in the global landscape, and in response to the national realities that we are all facing, specifically the creation of new jobs, the loss of menial jobs due to automation, and the demand for higher-level skilled work force,” paliwanag ni TESDA Director General, Secretary Isidro S. Lapeña.
Ang hakbang na ito ay pagsuporta sa ASEAN Labour Ministers’ Work Programme 2016-2020 na may kinalaman sa pagpapaunlad ng workforce competitiveness at productivity, at sa rekomendasyon ng East Asia Vision Group ll na makapag-produce ng kuwalipikado, may kakayahan, at may sapat na kaalaman na mga manggagawa.
Maliban kay Lapeña, nagbigay din ng kanya-kanyang mensahe sina DOLE Undersecretary Renato M. Ebarle, at Assistant Secretary Junever M. Mahilum-West ng Office of ASEAN Affairs ng DFA.
Kabilang sa mga layunin ng kumperensya ay ang: alamin ang katangian at lawak nang pagkikipagtulungan ng industriya sa lahat ng aspeto ng TVET gaya ng polisiya, curriculum at standard development, pamamaraan ng pagtuturo at pagpopondo; pag-aralan ang pakinabang, mga hamon, pamamaraan at mga hakbangin ng APT sa pagpalahok ng industrya; at bumuo ng dokumento na magsisilbi bilang reference o gabay sa bahagi ng tagumpay sa pakikibahagi ng industriya.
Sa nasabing pulong, nagharap ang mga kinatawan ng APT ng kani-kanilang best practices at mga programa sa paglahok ng mga industriya sa pagpapatupad ng TVET sa kanilang bansa.
Ang ilan sa mga hamon na nakita sa pagpapasigla sa paglahok ng mga employers ay ang financial support/incentives; kahirapan sa pagdisenyo ng standard qualification model para sa iba’t ibang industries at skill levels; kakulangan ng impormasyon sa mga mekanismo, polisya at benepisyo para sa TVET; commitment at kahandaan ng mga employers mismo na lumahok sa TVET; hindi malinaw na government-industry coordination; at kakulangan ng mga infrastructures sa pagdagdag ng industry involvement.
Sa closing remarks ni TESDA Deputy Director General for Policies and Planning, Rosanna A. Urdaneta, sinabi nito na umaasa siya na ang mga hamon at concerns na ipinarating ng mga miyembro ng APT kaugnay sa nasabing hangarin ay maisasayos at gagawin itong oportunidad upang mapatatag ang pagsali ng mga industriya/employers sa TVET delivery system.
“As mentioned and discussed, the main purpose of this conference is to gather and share best practices, and identify the key factors which will be documented as a publication along with the desk research and online survey. TESDA shall be completing this document in the next few months and it will be shared to everyone to serve as reference in the development of our TVET programs,” ani Urdaneta.(END)
Share this page