October 30, 2018

Tumanggap ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng Philippine Quality Award Level 1- “Recognition for Commitment to Quality Management”.

Ang award ay tinanggap ni TESDA Officer-in-Charge Rosanna A. Urdaneta na ipinagkaloob ni Pangulong Rodrigo Duterte sa idinaos na 2015-2017 Philippine Quality Award and Conferment Ceremony sa Palasyo ng Malacañang nitong Oktubre 24, 2018.

Ang TESDA ay kasama sa 12 private at public organization na tumanggap ng  PQA Award para sa taong 2015. Ang mga awardees ay dumaan sa matinding pagsusuri ayon sa mga pinagbabatayang mga pamantayan ng PQA.

Ito ang kauna-unahang PQA Award na tinanggap ng TESDA . Ang TESDA ang kauna-unahang government education agency na tumanggap ng prestiyosong award sa bansa.

Ang PQA ang pinakamataas na quality award para sa excellent performance in total quality management sa bansa.

Ito ay may apat na award and recognition levels: Level 1-Recognition for Commitment to Quality Management; Level 2-Recognition for Proficiency in Quality Management; Level 3-Recognition for Mastery in Quality Management; at Level 4-Philippine Quality Award for Performance Excellence.

Layunin nito na isulong ang mga pamantayan sa organizational performance kumpara sa nangungunang mga negosyo/organizations abroad; itatag ang pambansang sistema para bigyan halaga ang kalidad at productivity performance kapwa sa pribado at publikong organisasyon; at pagkilala sa mga organisasyon na naabot ang pinakamataas na antas ng kalidad at business excellence, na magsisilbing huwaran.

Labis na ikinatuwa ng pamunuan ng TESDA ang nasabing award.

Kasama ng ISO 9001:2015 Certification ng TESDA, and PQA ay pagkilala sa integridad at kalidad ng mga technical vocational education and training (TVET) programs at serbisyo na ibinibigay ng TESDA