October 28, 2018
Hinikayat ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang mga academic institutions, estudyante, employers, stakeholders at mga ahensya ng gobyerno na tumulong upang maihanda sa “global competitiveness” ang mga manggagawang Filipino.
Ang panawagan ay inihayag ng Officer-in-Charge ng TESDA, Deputy Director General for Policies and Planning Rosanna A. Urdaneta, sa kanyang welcome remarks sa idinaos na 2018 TVET Research Forum na tinawag na “Exploring New Trends in TVET in Response to the Changing World of Work” na inorganisa ng TESDA nitong Oktubre 11 taong kasalukuyan.
Layunin ng nasabing forum ay para mangalap ng mga bagong tuklas, konklusyon at rekomendasyon mula sa mga TVET-related studies sa buong bansa, talakayin ang maging implikasyon at bumuo ng mga pag-uugnayan mula sa mga dumalong TVET partner para sa mga isasagawang aksyon at pagtutulungan sa hinaharap.
Dumalo sa nasabing pagpupulong ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang academic institutions, industry organizations, stakeholders at mga ahensya ng gobyerno.
Ang buod ng mga tinalakay sa forum ay nakasentro sa iba’t ibang konsepto at ideya sa mga pagbabagong kinakailangan sa mga workplace. Mula sa mga specific skills requirements gaya ng “soft or behavioral skills”, hanggang sa TVET delivery na makakatulong sa pagpili ng skills at panghabang buhay na pag-aaral (lifelong learning) upang mapaiparating sa maraming tao kasama ang mga skilled workers at propesyonal.
Upang makasabay sa mga pagbabago, ang mga skilled labor force sa mundo ay kinakailangang magsanay muli at mabigyan ng bagong kagamitan at kasanayan, gaya ng interpersonal communication, upang manatiling competitive sa world stage.
Ang TVET ay nakikitang daan para sa mga manggagawang Filipino sa kasalukuyan at sa hinaharap na magkaroon ng technical skills, strategic thinking at iba pang mahahalagang kasanayan na kailangan ng mga employers.
Sinabi ni Urdaneta na ang TESDA ay nagpatupad na ng mga paunang hakbangin upang matugunan ang nasabing isyu.
“TESDA’s National Technical Education and Skills Development Plan (NTESDP) 2017-2022 articulates its objectives and strategies to create a conducive and enabling environment for the development and quality service delivery of the TVET sector in order to produce work-ready, globally competitive, green economy workers imbued with 21st century skills, as well as the need to prepare the Philippine workforce for the challenges in the future of jobs,” ani Urdaneta sa kanyang welcome remarks sa nasabing forum.
Kabilang sa priority areas sa NTESDP 2017-2022 ay ang Agribusiness, Construction, Information Technology/Business Process Management, Health and Wellness, Hotel, Restaurant and Tourism, Mining, Transportation and Logistics, at Manufacturing.
Ang priority areas naman sa ilalim ng National Technical Education and Skills Development Research Agenda (NTRA) 2017-2022 ay global competitiveness, social equity, qualification standards and management, support to TVET provision at TVET trends/issues and development.
Ang makakalap na mga ebidensya at rekomendasyon mula sa pananaliksik at iba pang mga kaugnay na pag-aaral ay magsisilbing basehan para sa bubuuing mga polisiya at programa upang mapahusay ang TVET delivery.
Kasabay nito, hinimok ni Urdaneta ang mga lumahok sa nasabing pulong na makipagtulungan sa ahensya at magsumite ng kanilang mga research proposals.
Ang panawagan ni Urdaneta ay sinusugan ni Ma. Angelina Carreon, Assistant Executive Director ng TESDA Planning Office, na nagsabi na kailangang magtulungan ang lahat ng mga stakeholders at TVET practitioners upang maihanda ang mga manggagawang Filipino na maka-adapt sa technology-driven global industry.
Nagbigay ito ng deadline hanggang sa Nobyembre 16, 2018 para sa pagsusumite ng mga research proposals na maaring isumite sa pamamagitan ng email o personal submission.
Ang mga indibidwal, estudyante, local governments at private organizations ay maaring magsumite sa mga kalapit na TESDA Regional Office habang ang mga national government agencies, at executive offices ay maaring magsumite sa TESDA Planning Office sa Administration Building sa Taguig City.
Sa nasabing forum, tatlo ang nagpresenta ng kanilang mga research proposals.
Unang nagharap ng research proposals si Francis Mark A. Quimba, Ph.D, na research fellow ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS). Ang kanyang presentasyon ay may titulong “E-Education in the Philippines: The Case of the TESDA Online Program (TOP)” na pag-aaral sa kahalagahan ng online courses ng TESDA. Natuklasan na ang TOP ay nabibigyan ng kakayahan yaong mga nasa low-income regions na maabot ang kalidad ng TVET courses at matuto ng mga bagong kasanayan na nagagamit sa pag-aplay ng trabaho.
Share this page