September 25, 2018
Dalawa ang itinanghal na National Winners para sa 2018 Idols ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Ang Idols ng TESDA ay kasama sa mga Institutional Awards na ipinagkakaloob taun-taon na karaniwang isinasabay sa pagdiriwang ng anibersaryo ng ahensya bilang pagkilala sa mga matatagumpay na mga TVET graduates.
Ito’y ipinagkakaloob sa mga hard-working individuals na graduates ng TESDA na naging matagumpay sa kanilang pagpupunyagi sa pamamagitan ng kanilang paglahok sa technical vocational education and training (TVET) programs.
Ang pagbibigay ng award dito ay hinati sa dalawang kategorya, Wage-Employed Category at Self-Employed Category.
Sa Wage-Employed Category, si April Rose B. Flores ng TESDA Region Xll na may kursong/qualification na Food Preparation and Service Technology ang napiling bilang National Winner.
Si Flores ay produkto ng Private Education Student Financial Assistance (PESFA) sa pamamagitan ng three-year vocational course na Food Preparation and Service Technology sa University of Southern Mindanao (USM)-Kidapawan City.
Siya ay nagtapos ng kanyang kursong Industrial Technology major in Food and Beverage Preparation and Service Management noong 2012 at Master of Technology Education noong 2017 at kasalukuyan ay kumukuha ng kanyang doctorate degree sa Philosophy in Technology Management.
Ang 1st Runner-up naman ay si Dr. Leomar A. Liboon ng Region Xl, Agriculture at Tourism; at ang 2nd Runner-up ay si Fernando Yap Ramos ng Region ll, may kursong Food and Beverage Services, Bread and Pastry Production NC ll, Front Office Services NC lll, Housekeeping NC ll, Cookery NC ll at Bartending NC ll.
Si Alfred D. Santos ng Region llI, Tourism ang nanalong Batang TESDA! TESDA Best!
Samantala, sa Self-Employed Category, ang napiling National Winner ay si Tina M. Ronato ng Region Vll na nagtapos ng kursong Cookery/Commercial Cooking.
Ang kaalaman at karanasan sa Cookery at Commercial Cooking ni Ronato ay malaking tulong para sa pagpapatayo nito ng kanyang sariling training center.
Naging 1st Runner-up naman si Rolando M. Rocapor ng TESDA Region l, Agriculture and Fishery, habang si Johnny N. Nambong, ng Region Xll, Food and Beverages Services NC ll ang 2nd Runner-up.
Si Nambong rin ang tumanggap ng Batang Technopreneur award.
Ang bawat National Winner ay nakatanggap ng P25,000. Ang bawat 1st Runner-up naman ay nakatanggap ng P20,000 habang ang 2nd Runner-up, P15,000. Samantala, ang Batang TESDA! TESDA Best! at ang Batang Technopreneur winners ay binigyan ng tig-P25,000. Maliban dito, tumanggap din sila ng mga trophy at mga plaque.
Ang awarding ceremony para sa TESDA Idols 2018 ay ginanap noong August 23 sa TESDA Womens Center sa Taguig City.
Ang mga winners ay pinili mula sa 20 nominees na kumakatawan sa 17 regions ng TESDA sa buong bansa.
Share this page