September, 7 2018
Binati ni Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General/Secretary Guiling “Gene” A. Mamondiong ang Team Philippines sa kanilang ipinamalas na performance matapos manalo ng Silver Medal at Bronze Medal sa ginanap na 12th Association of Southeast Asia Nations (ASEAN) Skills Competition na tinawag na “WorldSkills Bangkok 2018” na ginanap sa Bangkok, Thailand simula noong Agosto 31 hanggang Setyembre 2, taong kasalukuyan.
Sinabi ni Mamondiong na ang magandang ipinakitang performance ng Team Philippines sa skills competition ay pagpapatunay lamang na ang technical-vocational education and training (TVET) ng bansa ay epektibo at world-class.
“We are very proud of our competitors and their coaches. Not only have they brought honor to the country but they have also cast a very favorable light on Philippine TVET and on all our skilled workers. Congratulations, Team Philippines!,” ani Mamondiong.
Si Ramon Bong Bautista, Region lll, ang nag-uwi ng Silver Medal mula sa sinalihan nitong kumpetisyon sa Visual Graphic Technology. Siya rin ang nanalo ng Best in Nation award bilang nangunang competitor mula sa Pilipinas.
Nanalo naman ng Bronze Medal sina Leonido Lomoljo, taga-Zamboanga del Sur-TESDA lX, competitor sa Refrigeration & Air Conditioning at John Leonard Ramos, Region I, Hairdressing.
Walo naman ang tumanggap ng Medallion for Excellence na kinabibilangan nina Marc Dave Perez, Region lV-A, Restaurant Service; John Jay Abinal, Region V, Electrical Installations; Benedict Hornido, CARAGA, Graphic Design Technology; Heinrich Omlaan, Region Xl, Welding Technology; Anthony Cabigayan, Region lll, IT Software Solutions for Business; Joeminel U. Cutcharo, Region Vlll, Automobile Technology; Marvin Madla, Region lll, IT Network System Administration at Patrick Neil Noceja, National Capital Region (NCR), Web Design and Development.
Ang Team Philippines ay binubuo ng 331 competitors at 260 experts (coaches).
Ang ASEAN Skills Competition ay ginaganap tuwing ika-dalawang taon at ito ang pinakamalaking vocational education and skills excellence event sa ASEAN countries.
Isa sa pangunahing legasiya ng ASEAN Skills Competions ay para bigyan ng pagpapahalaga at importansiya ang professional education, bilang isa sa mga sangkap sa socio-economic transformation.
Share this page