August 25, 2018
Nagbukas ngayon ang 2-araw na selebrasyon ng Technical Education and Skills Development Authority –National Capital Region (TESDA-NCR) ng kauna-unahang National Tech Voc Day kung saan ang unang araw ay ginanap sa Philippine International Conventiopn Center (PICC) habang ang ikalawang araw ay gaganapin sa Atrium Hall sa Mandaluyong City.
Ayon kay Technical Education and Skills Development (TESDA) Director General, Secretary Guiling “Gene” A. Mamondiong, tampok sa pagdiriwang ang 2-day jobs fair, financial loan assistance at enrollment na pinangalanang “World Café of Opportunities through Jobs Linkages and Networking Services (WCO through JoLiNS) para sa mga technical vocational education and training (TVET) graduates/alumni. Ito ay nagsimula ala-1:00-5:00 ng hapon
Sinabi ni Mamondiong na ang WCO through JoLiNS ay sabay-sabay na idinaos sa 17 rehiyon ng TESDA sa buong bansa mula Agosto 25 – 26, 2018. Aniya bahagi pa rin ito ng pagdiriwang para sa ika-24 taong anibersaryo ng TESDA.
Ang WCO through JoLiNS ay magsisilbing ‘one-stop shop’ sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno, pribadong mga kompanya, tech-voc institutions at financing institutions upang magdaos ng job fair para sa mga iaalok na mga trabaho, trainings at financing opportunities at maayos na job-skills matching sa mga TVET graduates at iba pang gustong mag-avail sa nasabing mga serbisyo.
Ang unang araw ng WCO, ay nilahukan ng 13 national government agencies, 60 employers, 30 technical vocational institutions (TVIs) at mahigit 1,500 TVET graduates/alumni mula sa NCR.
Dinaluhan din ito ng iba’t ibang opisyal ng gobyerno mula sa executive at legislative department, opisyales ng mga katuwang ng ahensya at marami pang iba .
Ang okasyon ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng 13 national government agencies (NGAs) na kinabibilangan TESDA, Department of Trade and Industry (DTI), Department of Science and Technology (DOST), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Public Employment Service Office (PESO) Pasay, Landbank of the Philippines (DBP), Social Security System (SSS) National Bureau of Investigation (NBI), Philhealth, Pag-Ibig, Cooperative Development Authority (CDA) at Office of the Cabinet Secretary.
Ang mga TVET graduates/alumni ay nakapag-avail din ng financial loans mula sa mga katuwang na mga financial assistance para sa planong itatayong negosyo.
Ang mga TVIs ay naging abala naman sa pagtanggap ng mga walk-in enrollees na nais kumuha ng iba’t ibang skills training programs ng TESDA mula sa mahigit 200 sectors.
Ang 60 employers sa pakikipatulungan ng PESO Pasay ang naglatag ng mga job vacancies para sa mga TVET graduates/alumni na naghahanap ng trabaho. Karamihan sa mga inialok na trabaho ay sa kontruksiyon alinsunod sa Build, Build, Build Program ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kabuuang bilang ng mga nagparehistro, 200 mula sa Camanava, 200 mula sa Manila, 200 MuntiParLasTaPat(Muntinlupa, Paranaque, Las Pinas, Taguig, Pateros), 500 sa Pasay-Makati, PaMaMariSan (Pasig, Mandaluyong,Marikina,San Juan) at 200 sa Quezon City.
Magkakaroon din ng Technotainment area para sa mga Barista, Napkin/Towel Folding at Cookery.
Samantala, sa ikalawang araw ng WCO, gaganapin naman ito sa Atrium Hall sa Mandaluyong City. Ang programa ay magsisimula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.
Inaasahan naman ang 450 TVET graduates/enrollees ang nagparehistro para mag-aplay ng trabaho at mag-avail ng finance assistance at enrolment.
Ayon kay Mamondiong, 30 partner companies/industries sa tulong ng PESO Mandaluyong ang lumahok, 30 TVIs at 13 pa ring government agencies at financial institutions.
Share this page