July 17, 2018
Pinarangalan ng  Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang mga matatagumpay na persons with disability (PWDs) technical-vocational education and training (TVET) graduates na hindi lamang nanguna sa  kagalingan sa  pag-aaral kundi  naging matagumpay din  sa kanilang piniling propesyon.

Kabilang sa mga pinarangalan ay sina Mark Lester Artocilla, taga-Kalibo, Aklan, (Region Vl), 24 anyos, blind massage therapist; Ramon Villanueva, Jr., 38 anyos, taga Cauayan City, Isabela (Region ll) polio victim, registrar at systems administrator sa isang kilalang IT-centric school; Ruel Abellar, Compostela (Region Xl), polio victim, 38 gulang, IT-teacher; at Domingo Literal,  (Region lV-A), orthopedic, 43 gulang, isang computer systems technician at naging kalahok sa regional skills competition. 

“I am gladdened that these stories can be told and shared as they can further inspire and give hope to the more than 1.5 million Filipinos with disabilities.  These stories show that nothing can stand in the way of the human spirit to rise above difficulties and challenges,” ani Mamondiong.

Ayon sa TESDA chief, ang mga istoryang ito ay nagpapatunay na may mga indibidwal, organisasyon at institusyon na hindi tumitingin sa  pisikal na kakulangan at sa halip ay binibigyan ng atensyon  ang  tapat, masidhing hangarin ng isang tao na nagsisikap na maging kakaiba at  maging produktibong miyembro ng lipunan.

Ang pagbibigay parangal sa mga PWD ay kasama sa mga programa sa pagbubukas ng  ika-40th  National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week Celebration  na gaganapin simula July 17-23, 2018 sa  Jose F. Diaz Stadium sa San Mateo, Rizal.


Ang selebrasyon na may temang “Kakayahan at Kasanayan Para sa Kabuhayan, Tungo sa Kaunlaran” ay pinangunahan ng TESDA at vice-chaired ng San Mateo City Government  katuwang ang National Council on Disability Affairs (NCDA), civil society organizations, PWD organizations, business sector at a iba pang mga tagapagtaguyod ng sektor.

Binigyan-diin ni Mamondiong na  pinapahalagahan ng  kasalukuyang administrasyon na bigyan ng  kapangyarihan ang mga sektor, kasama dito ang mga PWDs at himukin sila  na makibahagi sa pagpapaunlad ng bansa.

Kaugnay nito, tiniyak ni Mamondiong na patuloy na ini-upgrade ng TESDA ang mga programa  tulad nang pag-utos  sa mga training institutions na makipagkasundo sa mga kompanya na may mga pasilidad, kagamitan at materyales  para sa special needs ng mga PWD trainees.  Gayundin 270 TESDA trainers at staff ang nag-attend ng Sensitivity Trainings at Basic Sign Language Course, at patuloy pa itong nadaragdagan.

Sinabi ni Mamondiong na mahalagang mapaganda pa ang suporta at benepisyo  para sa mga disadvantage sector;  luwagan ang mga polisiya at regulasyon ng TVET, at  pagdisenyo  sa special skills training programs na tutugon sa  specific needs ng mga beneficiaries.

Samantala, ilan sa  mga aktibidades sa isang linggong pagdiriwang ng NDPR Week,  July 17, libreng gupit, masahe, hilot, manicure/pedicure mula sa TESDA Rizal, TVET enrollment, exhibits and displays of PWDs  products for  sale, Seminar on Entrepreneurship Development, Exhibition of Sports Activities ng mga may kapansanan sa paningin.  Ito ay gaganapin sa  (JFD Stadium, San Mateo, Rizal);

Sa July 18,- Forum on Road Safety (PPA, Port Area, Manila); Children with Disabilities Friendship Game, Philhealth; Orientation for Parents on the Management of the children with Disabilities, (City Hall, General Trial, Cavite), at Deaf Tour Guiding sa Intramuros, Rizal Park at National Museum;

Sa July 19 - Paligsahan ng may Kapansanan sa Kasaysayan at Kultura ng Pilipinas (NHCP Multi-Purpose Hall, T.M. Kalaw St. Ermita , Manila);

July 20 -  Health and Social Services for Persons with Disabilities (Grand Opera Hotel, Sta. Cruz, Manila); Palarong Bayani,(Plaza Mabini para sa opening at Mabini Shrine, Tanauan City, Batangas ang); Draw Disabilities (NORFIL, 16 Mother Ignacia, Cor. Roces Avenue, QC);

July 21-Forum on Parenting Children with Special Needs (Roman Catholic Archbishop of Manila, Intramuros, Manila); PWD Got Talent (Robinson Place Antipolo); Forum on Philhealth Benefits  Package for CWDs and Preparing PWDs for Employment, (NORFIL, Mother Ignacia cor. Roces Ave.,QC).

Maliban dito, magkakaroon din ng libreng Metro Rail Transit rides mula sa July 17-23, 2018 mula Baclaran hanggang Roosevelt at LRT2 Santolan hanggang Recto para sa mga participants ng nasabing weeklong event.