July 5, 2018
Tututukan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang pagpapalawak at pagpapalakas sa suportang ipagkakaloob ng Technical and Vocational Education and Training (TVET) sa implementasyon ng Build Build Build Infrastructure Program ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Roa Duterte na mangangailangan ng mahigit sa 200,000 construction workers sa buong bansa.
Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong, lalo pang palalakasin ng ahensya ang programa sa pakikipagpartner sa mga industriya at negosyo para sa pagbibigay ng kasanayan sa mga enrollees ng construction related training programs gaya ng on-site training.
Sa kasalukuyan, katuwang ng mga TESDA training institutions sa pagsasanay at pagbibigay ng trabaho sa mga kuwalipikadong TVET graduates sa kontruksiyon ay ang mga industriya na mula sa Aboitiz Construction, Golden Bay Philippines Corp. at Jorviv’s Construction partikular sa Region Vll, Vlll at X.
Sinabi ni Mamodiong na magkakaroon din ng orientation tungkol sa Implementing Guidelines on the Train to Build Build Build para isulong pa ang pagpapatupad ng programa.
Kaugnay sa kakulangan ng mga assessors, trainers at assessment centers, sinabi ni Mamondiong na pag-aaralan ang mga stratehiya na ipatutupad para madagdagan ang kapasidad nito tulad ng pakikipag partner sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at pribadong organisasyon.
Bubuo rin ng mga action plans ang ahensya upang mapataas ang bilang ng mga skilled workers na itinuturing na kritikal at walang interesadong mag-aplay gaya ng heavy equipment operator, masonry at scaffolder.
“It is significant to note that there are graduates of scaffold erection and masonry which are included among the identified as critical skills for the infrastructure development under the Build Build Build Program. However, training on Heavy Equipment Operations is not included in the top qualifications with the most number of graduates, which was identified as critical and hard-to-fill skills,” ayon kay Mamodiong.
Matatandaan na ipinalabas ni Mamondiong ang “Guidelines on the Implementation of TESDA’s Train to Build Build Build Project” noong Marso 9, 2018 na may layuning pagitingin ang program ng ahensya sa constrction sector upang supportahan ang Build Build Project.
Share this page