June 6, 2018
Itinalaga ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang 14 Technical Vocational and Educational Training (TVET) Career Ambassadors na magbibigay inspirasyon sa mga kabataan tungkol sa pagpili ng tamang kurso at kasanayan tungo sa maayos at matagumpay na kinabukasan.
Ang nabanggit na mga TVET Career Ambassadors ay maninilbihan mula 2018 hanggang 2019.
Sinabi ni TESDA Director General, Sec. Guiling “Gene” A. Mamondiong, ang mga ambassadors na ito ay magsisilbing role models o poster boys and girls ng ahensya para i-promote ang TVET sa loob ng kanilang panunungkulan.
Hihimukin at igigiya nila ang mga kabataan tungkol sa pagpili ng tamang kurso dahil makakatulong ito sa matagumpay na career ng isang mag-aaral.
“Ambassadors, through public talks and media appearances, help steer and encourage the country’s next generation workers towards their most suitable career paths,” paliwanag ni Mamondiong.
Bunsod nito, ang mga career ambassadors ang magiging ‘number one promoter’ ng TVET programs sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa media at pagsasalita sa mga forums at meetings.
Aniya, pinili lamang ng TESDA ang mga pinakamagagaling na mga TVET graduates na karamihan sa kanila ay mga scholars o mga naging matagumpay sa kanilang piniling karera para sa Career Ambassadors Program.
Ito ay sina Glenn O. Obillo, Regional Winner, 2017 TESDA Idol, kumakatawan sa Region l; Karen C. Fabella, Competitor, 2016 ASEAN Skills Competition ng Region ll; King Paul B. Gabertan, National Finalist, 2015 Tagsanay Award, Region lll; Dhebora A. Juanta, 2nd Runner-Up, 2017 TESDA Idol, National Capital Region (NCR); Joseph B. Jalbuna, Regional Winner, 2016 TESDA Idol, Region 1V-A;
Hernan C. Erorita, National Winner, 2017 TESDA Idol, Region lV-B; Ulysis L. Ferreras, Regional Winner, 2017 TESDA Idol, Region V; Virginia B. Parrenas, National Finalist, 2016 Tagsanay Award, Region Vl; Edlyn P. Casal, Regional Winner, 2014 TESDA Idol, Region Vll; Junie A. Comaling, Gold Medalist, 2017 Philippine Skills Competition, Region lX; Michellene A. Uapal, Regional Winner, 2017 TESDA Idol, Region X; Mary Jane P. Trinidad, 2nd Runner Up, 2016 TESDA Idol, Region Xl; Marco Paolo B. Sosobrado, CEO, Uncle Wok Restaurant, Region Xll at Gail E. Pacquiao, Regional Winner, 2015 TESDA Idol, CARAGA.
Samantala, nanumpa na ang anim sa 14 bagong TESDA Career Ambassadors sa idinaos na 4th National Career Advocay Congress noong Mayo 24 na ginanap sa Oriental Hotel, Legazpi City, Albay.
Kasama sa mga nanumpa sina Gabertan, Ferreras, Parrenas, Casal, Trinidad at Pacquiao.
Bilang tagapag-taguyod ng TVET, kanilang ipinangako na magiging inspirasyon sila sa mga kabataan at iimpluwensiyahan nila ang mga ito sa pagpili ng tamang kurso sa pamamagitan ng pagbahagi ng kanilang mga success stories at kung paano nakatulong ang TVET para sa kanilang tagumpay.
Ang pagtalaga ng career ambassadors ay nakapaloob sa National Career Guidance Advocacy Plan na nilagdaan ng Department of Labor and Employment (DOLE), Commission on Higher Education (CHED), Department of Education (DepEd), Department of Science and Technology (DOST), Professional Regulation Commission (PRC) at TESDA.
Share this page