May 31, 2018
Nanawagan ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa paglikha ng Association of South East Asia Nations (ASEAN) Technical Vocational Education and Training (TVET) Development Council na siyang magiging oversight at pangunahing coordinating body para sa TVET sector sa rehiyon.
Ipinaliwanag ni TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” A. Mamondiong, na siyang nagsusulong sa nasabing panukala, na may pangangailangan upang gawing mas komprehensibo ang lahat ng initiatibo at programang pang-TVET tungo sa mas maunlad at malawak na kakayanan ng mga manggagawa sa rehiyon.
“As part of the internationalization of the Philippine TVET system, TESDA is echoing to the ASEAN the need to streamline and harmonize all TVET and workforce development efforts in the region, with a view of making inter-related initiatives more programmatic and comprehensive,” ayon kay Mamondiong.
Sa idinaos na 31st ASEAN Summit na ginanap sa Pilipinas noong Nobyembre 2017, ang TESDA-led proposal ay kabilang sa inisyatibo na itinampok sa Chairman’s Statement.
Nauna na ring iniharap ni Mamondiong at ibang opisyal ng TESDA ang panukala sa pagtatatag ng ASEAN TVET Development Council sa Asia-Europe Education Ministers Meeting na ginanap sa Seoul, South Korea noong Nobyemre 2017 at sa 4th ASEAN Qualifications Reference Framework Committee Meeting sa Bangkok, Thailand nitong Mayo 2018 para palakasin at pag-isahin ang TVET sa mga miyembrong bansa sa Southeast Asia.
Sinabi ng opisyal na ang pangunahing layunin ay padaliin at higit na palakasin ang regional convergence sa pagitan ng mga ASEAN Member States (AMS) sa TVET at human resource development programs upang ang mga manggagawa sa rehiyon ay mas competitive at competent sa mga trabaho sa hinaharap.
Aniya, oras na maitatag, ang konseho umano ang tututok para pahuhusayin, at tutulong sa AMS para paunlarin ang kanilang TVET system, mga polisiya at mga programa tungo sa pagpapahusay ng kanilang workforce na maging quality-assured at magkaroon ng future-proof skills, handa sa pakikipagtagisan, maging produktibo, mapaunlad ang kakayahan sa pagtatrabaho sa loob at labas ng rehiyon sa pamamagitan ng mahigpit na koordinasyon sa pagitan ng ASEAN TVET agencies.
Ang ASEAN TVET Development Council umano ang tutulong sa ASEAN members sa pagpapaunlad ng kanilang technical-vocational program.
Ang TESDA ay nagsagawa na ng mga konsultasyon at tinalakay na sa mga stakeholders ang nasabing panukala, tulad sa mga education at labor ministries sa ASEAN sa Myanmar, Lao PDR, Cambodia, Vietnam, Thailand, Indonesia, Singapore at Brunei Darussalam. Nailapit na rin ito sa mga international/regional organizations sa pamamagitan ng international conferences o meetings.
Kasama sa tinalakay sa mga idinaos na konsultasyon/presentasyon ay ang partnership sa ibang organisayon, organizational structure representation sa council, funding sources at marami pang iba.
Upang matiyak na lahat ng stakeholders mula sa gobyerno, pribadong sector, at mga manggagawa ay makakasama sa pagbuo ng mga plano para sa TVET, ang konseho ay dapat kabibilangan ng mga kinatawan mula sa edukasyon, labour at economic sector para sa panig ng gobyerno; sa panig ng private sector ay mga kinatawan mula sa ASEAN Business Advisory Council (BAC) at ASEAN Confederation of Employers (ACE) at sa panig naman ng mga manggagawa ay mga kinatawan mula sa naman ASEAN Trade Union Council (ATUC) at iba pang workers federation.
Ang TESDA ay magsasagawa rin ng technical meeting o workshop na kabibilangan ng lahat ng AMS, kinatawan mula sa Senior Labour Officials Meeting (SLOM), Senior Officials Meeting on Education (SOM-ED) at Senior Economic Officials Meeting (SEOM), mga relevant stakeholders mula sa hanay ng industriya at development organizations, at ASEAN Secretariat para talakayin at tugunan ang mga isyu na may kinalaman sa nasabing panukala.
Share this page