May 14, 2018
Nangangailangan ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Language Skills Institutes (LSIs) ng mga titser/trainers para sa mga sumusunod na linguwahe: Arabic, Korean, English, Mandarin Chinese, German, Mandarin Taiwanese, Italian, Spanish, Japanese at Bahasa Indonesia.
Sa ipinalabas na memo ni TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” A. Mamondiong inatasan nito ang mga Regional Directors, Executive Director ng National Institute for Technical Education and Skills Development (NITESD) at National/Regional Language Skills Institutes (N/RLSIs) na buhayin ang Language Skills Institutes ng ahensya.
Ayon kay Mamondiong, ang work-based language at culture programs ay mahalagang pamamagitan sa mga estudyante at job-ready workers upang mapahusay at mapaunlad ang kanilang competitiveness pandagdag sa kanilang taglay na qualifications na nire-require ng kanilang industry/employer, sa local at international markets.
Ang N/RLSIs ay inatasan na mag-alok ng language and culture programs sa kanilang lugar base sa bansa na marami ang pupuntang mga overseas Filippino workers (OFWs) gayundin sa mga bansa na may “government-to-government agreement sa Pilipinas.
“In this regard, all the Regional Directors and TTI (TESDA Technology Institution) administrators where the N/RLSIs are located shall determine the appropriate foreign language and culture offerings in their respective N/RLSIs based on geographical needs and demands, available resources, capabilities and facilities”, paliwanag ng TESDA chief.
Ang TESDA ay mayroong 37 N/RLSIs sa buong bansa.
Ang mga qualifications para sa mga interesadong aplikante ay: bachelor’s degree holder; kailangan ay may isang taong karanasan sa pagtuturo ng language; may TESDA Trainers Methodology Level 1 Certification; computer literate na may background sa Microsoft application tulad ng PowerPoint Word, at Excel; magaling sa oral at written communications; magaling sa coaching/facilitation skills; fluent sa English at sa kanilang native/local dialect ; dapat may A1 (Common European Framework of Reference for Languages) o katumbas sa language proficiency; at expats na may work visa status.
Lahat ng interesadong aplikante ay maaring magsumite ng kanilang Application Letter at Curriculum Vitae/Recent Bio-data sa administrator ng TESDA sa lugar kung saan nais nilang mag-aplay. Maaari din silang mag-padala ng kanilang application sa pamamagitan ng email sa lsi@tesda.gov.ph
Samantala, ang TESDA ay lilikha ng ‘pool’ ng mga qualified Languange Trainers para sa 37 LSI sa pamamagitan ng pagdaos ng Languange and Cultural Training of Trainers sa nabanggit na mga lenguwahe.
Mga requirement sa mga trainee: Filipino citizen; Bachelor’s Degree Holder; may isang taong karanasan sa pagtuturo ng language at mangakong magiging trainer sa isa sa 10 languages; mangakong tatapusin ang TESDA Training of Trainers program; good moral character; at dapat fluent sa English at sa kanilang native/local dialect
Ang mga interesadong aplikante ay maaring komuntak at magsumite sa administrator sa lugar kung saan nais nilang mag-aplay.
Ang TESDA ay magbibigay din ng scholarship for the languange proficiency exam pagkatapos makompleto ang training.
Share this page