April 30, 2018
Mahalaga ang papel ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa pagkakaroon ng ‘skilled labor force’ kaya nanguna ang Pilipinas sa mga napiling bansa ng mga dayuhang mamumuhunan bilang “Best Country to Invest In ” in 2018.
Ito ang tahasang pahayag ni TESDA Director General, Sec. Guiling “Gene” Mamondiong bilang pagkilala ng ahensya sa lumabas na artikulo kamakailan na sinasabi na ang Pilipinas ang “The Best Country to Invest In”, base sa report ng US News & World Report’s 2018 Best Countries.
Ang “The Best Country to Invest In” ay isa sa naging paksa sa pangkalahatang Best Countries Report. Ang criteria ay binubo ng walong ‘equally-weight attributes’ na pinangalang: ‘Corrupt’, ‘Dynamic’, ‘Economically stable’, ‘Entrepreneurial’, ‘Favorable tax environment’, ‘Innovative’, ‘Skilled labor force’, at ‘Technical expertise’. Sa nasabing survey, ang Pilipinas ay ranked #1, sumunod ang Indonesia, Poland, Malaysia at Singapore.
Bilang dagdag sa US News & World Report, mayroon ding ulat mula sa United Nations Conference on Trade and Development (UNCTAD) na sumusuporta sa ranking data. Nabanggit sa UNCTAD Report na ang pagdami ng foreign direct investments (FDIs) noong 2017, partikular mula sa China, ay isa sa mga dahilan kung bakit ang Pilipinas ay umuunlad sa kabila na bumabagsak ang FDIs sa Southeast Asia.
Sa ‘Best Country to Invest In” ranking at sa UNCTAD Report, kapwa binabanggit dito na ang ‘higly-skilled labor force’ sa Pilipinas ay isa sa mga dahilan kung bakit ang bansa ay magandang pagpipilian para sa mga dayuhang mamumuhunan.
Ayon kay Mamondiong, malaking inspirasyon at karangalan para sa ahensya ang lumabas na artikulo sa US News & World Report at UNCTAD Report dahil hindi nabalewala ang pagsisikap ng gobyerno upang ihanda ang mga manggagawang Pinoy sa iba’t ibang skills para sa kanilang paghahanap ng trabaho sa loob at labas ng bansa.
Aniya, ang TESDA bilang punong tanggapan ng Technical and Vocational Education and Training (TVET), tinitiyak nito ang mataas na kalidad ng mga trained workers, sa pamamagitan nang pagpapalawak ng kakayahan sa pagsasanay, pakikipag-partner sa mga industriya at pagbibigay ng karampatang kasanayan para mapaunlad ang mga manggagawa ng bansa.
Higit na pinahuhusay umano ang mga TVET graduates sa ipinatutupad na apat na training modalities: school based program, center based program, community based program at enterprise based program.
Aniya, ang pinaiiral na Dual Training System (DTS) ng TESDA ay nanatiling pinakamahusay na platform para sa technical education sa bansa. Isa sa mga strategic approach ng program ay ang pagtutulungan ng Technical Vocational Institutions (TVIs) at TESDA Technology Institutions (TTIs) at kompanya upang matiyak na ang mga trainees ay sapat ang kaalaman na may employable skills, may alam sa trabaho, at tamang pag-uugali pagkatapos ng pagsasanay.
Malaki rin ang tulong dito ng Language Skills Institute (LSI) na nagsisilbi bilang pasilidad ng TESDA para sa mga language program partikular sa mga manggagawang nagnanais na mag-abroad tulad ng mga caregivers, nurses, domestic workers at iba pang overseas Filipino workers upang ihanda sila kung paano makipag-communicate gamit ang lengguwahe ng bansa na kanilang pupuntahan.
Sa kasalukuyan ang mga langguages programs na itinuturo sa TESDA ay ang Japanese, Korean, Mandarin/Chinese, Spanish, Arabic at English. Gayunpaman, may plano ang TESDA na palawakin pa ito sa pamamagitan ng patuturo ng lenguwaheng German , Russian, French at iba . Sa pamamagitan nito ay lalo pang makilala ang ating mga skilled workers sa iba’t ibang panig ng mundo.
Share this page