April 25, 2018
Umabot sa 37,293 ang nagpatala sa iba’t ibang kurso sa konstruksiyon habang 31,633 naman sa Information Technology-Business Process Management (IT-BPM) sa mga ginanap na National TVET Enrollment and Jobs Bridging noong Pebrero 27-28 at Special National TVET Enrollment and Jobs Bridging ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) nitong Abril 5-6, 2018 na idinaos sa buong bansa.
Sa kabuuang 37,293 enrollees sa sector ng konstruksiyon, 26,562 dito ang nagpatala noong Pebrero 27-28 habang 10,731 naman noong Abril 5-6 taong kasalukuyan.
Samantala, sa IT-BPM, 31,633 ang enrollees, 27,915 dito ang nagpa-enroll noong Pebrero 27-28 habang 3,718 noong Abril 5-6, taong kasalukuyan.
Ang IT-BPM ay isa rin sa sector na tinututukan ng TESDA dahil mahalaga ito para sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa at marami ang nabibigyan ng trabaho. Ang Pilipinas ay kilala bilang supplier ng nasabing workforce.
Kaugnay nito, iniutos ni Technical Education and Skills Development Authority(TESDA) Director General Guiling “Gene” Mamondiong sa lahat ng mga technical vocational institutions (TVIs) at TESDA Technology Institutions (TTIs) na simulan nang sanayin agad ang may 37,293 enrollees sa iba’t ibang kurso sa construction sector bilang paghahanda sa Build, Build Build Program ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Aniya, kailangan na maisakatuparan ang pagsasanay sa lalong madaling panahon sa mga bagong construction scholars upang masigurado ang supply ng manggagawa sa industriya na ito para nadin hindi maaantala ang mga construction projects ng kasalukuyang administrasyon.
Ipinaliwanag nito, na mangangailangan ng 300,000 construction workers para sa mga Mega Bridge projects ni Pangulong Duterte sa buong bansa at 100,000 dito ang ipinangako ng TESDA para sanayin.
Nagpahayag ng kalungkutan si Mamodiong sa mababang turnout o resulta ng dalawang beses na isinagawang national TVET enrollment para sa construction sector at sinabi na ang posibleng pangunahing dahilan ay ang mababang pasahod sa nasabing sector.
Aniya, sumulat na siya sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Public Works and Highways (DPWH) at nakiusap na taasan ang pasahod sa mga construction workers upang maraming Pinoy ang maeengganyo na pasukin ang nasabing industriya.
Kaugnay sa ginanap na jobs fair nitong Abril 5-6, 2016, umaabot sa 36,314 ang jobs opening sa kontruksiyon at IT-BPM; nagkaroon ng 7,898 aplikante na mga TVET graduates/regular applicants at overseas Filipino workers (OFWs); 1,350 ang na-hired on the spot; at 378 kompanya ang lumahok.
Sa kontruksiyon, 6,121 aplikante, 27,591 available jobs, 1,227 ang na-hired on the spot at 249 construction companies ang lumahok sa nasabing jobs bridging.
Sa IT-BPM, 1,777 ang aplikante, 8,723 job opening,123 ang na-hired on the spot at 123 kompanya ang kalahok.
Sa ginanap na special TVET enrollment at jobs bridging, 141 OFWs ang natulungan, 99 para sa training, 37 sa employment at 5 para sa ibang serbisyo ng ahensya.
Kaugnay pa rin sa ginanap na dalawang national enrollment at jobs bridging noong Pebrero 27-28, 2018 at April 5-6, 2018 sa buong bansa, umaabot sa 207,103 ang nakalap na enrollees sa iba’t-ibang courses; 15,830 job applicants; 117,528 job opening; 4,256 ang na-hired on the spot at 1,248 ang mga kompanya na lumahok.
Inatasan ni Mamondiong ang lahat ng Regional Directors, Provincial/District Directors na i-accommodate ang lahat ng applicants/registrants sa idinaos na National TVET Enrollment Day noong Pebrero 27-28 at Special Enrollment for Construction and IT-BPM noong April 5-6, 2018 kasama ang mga aplikante na mula sa grupo ng mga indigenous peoples (IPs) at rebel returnees.
“You are further directed to communicate to the applicants/registrants the status of their applications and provide other necessary details pertaining to the training such as the date and venue of their training,” ani Mamondiong na nakapaloob sa memorandum na ipinalabas nito para sa mga regional directors, provincial/district directors ng ahensya.
Idinagdag pa nito na ang status report sa nasabing mga aktibidades ay kailangang isumite sa Office of the Deputy Director General (ODDG) for Policies and Planning of TESDA.
Ang top 10 sa IT-BPM qualification na may pinakamaraming nag-enroll ay Computer Systems Servicing NC ll, Visual Graphic Design NC lll, Contact Center Services NC ll, Language, Animation NC ll, Japanese Language and Culture, Korean Language and Culture, Creative Web Design, 2D Animation NC lll at English Language.
Ang top 10 naman sa construction sector ay Shielded Metal Arc Welding (SMAW)NC ll, Electrical Installation & Maintainance (EIM) NC ll, Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NC l, Carpentry NC ll, Masonry NC ll, Gas Tungsten Arc Welding (GTAW) NC ll, Scaffold Erection NC ll, Technical Drafting NC ll, Tile Setting NC ll, at Plumbing NC ll.
Share this page