April 12, 2018
Umaabot sa 8,882 Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang dependent ang natulungan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) noong taong 2017.
Ayon kay TESDA Director General, Sec. Guiling “Gene” A. Mamondiong, ang nasabing bilang ay batay sa isinumiteng accomplishment report ng Partnership and Linkages Office (PLO) kaugnay sa Reintegration Program for Overseas Filipino Workers (OFWs) for 2017 ng ahensya.
“For 2017, a total of 8,882 Overseas Filipino Workers (OFWs) and their dependents were provided assistance by TESDA,” nakasaad sa PLO Report.
Sa kabuuang bilang, 1,749 ang napagkalooban ng scholarship assistance gaya ng training for work scholarship (TWSP), kung saan kasama dito ang 189 beneficiaries ng TESDA Emergency Skills Training Program (TESTP); special training for employment program (STEP) 129; bottom-up budgeting (BuB), 102; at private education financial assistance (PESFA), 35.
Naitala na ang TWSP ang may pinakamataas na bilang ng mga graduates na 1,483 o 84% sinundan ng STEP, 129 o 7.38% , BuB, 102 o 5.83 % at PESFA, 35 o 2.00%.
Samantala, umabot naman sa 2,216 OFWs at dependents ang nabigyan ng ibang serbisyo at tulong; 1,373 ini-refer sa TVIs para sanayin; 622 nabigyan ng impormasyon tungkol sa serbisyo ng TESDA; 175 na-survey at na-profile gamit ang training needs analysis; 18 na-assess at na-certified; 9 ini-refer sa ROs at POs; at 8 dependents ang ini-refer sa TVIs for training.
Sa ulat ng Regional Offices, ang may pinakamataas na bilang ng mga pinauwing OFWs ay mula sa Saudi Arabia na may nakatalng bilang na 847.
Sa ‘One Stop Service Center for Overseas Filipino Workers (OSSCO) sa Philippine Overseas Employment Administration, 4,917 ang nabigyan ng tulong.
Sa kabuuang bilang, 2,606 ang nabigyan ng training assistance at scholarship program; 971 natulungan sa competency assessment; 89 sa pagpapalit ng National Certificate (NC) at Cetificate of Competency (COC); 73 nabigyan ng Cetificate of Authentication and Verification (CAV); 51 sa renewal ng NC/COC; at 1,127 ang nagtanong na nabigyan ng kasagutan.
Ang Reintegration Program for Overseas Filipino Workers (OFWs) ay kasama sa 17-Point Reform Agenda ng TESDA sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.
Share this page