April 8, 2018
Summer na at panahon na naman ng swimming, kaya kumilos na ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para maging handa at maayos ang mga lifeguards sa ibibigay na serbisyo sa mga swimming areas tulad ng pools at beaches sa buong bansa.
Ito ay matapos ilabas na ng TESDA ang “Implementing Guidelines on the Deployment of Training Regulations (TRs), Competency Assessment Tools (CATs), Assessment Fees for lifeguard Services NC ll at Lifeguard Services NC lll.
Kamakailan, pinagtibay ng TESDA Board ang inaprub na TRs upang maging handa ang mga lifeguards para matiyak ang kaligtasan ng mga swimmers sa pools at beaches.
Ang nabanggit na TRs ay binuo sa pakikipagtulungan sa Philippine Life Saving Society (PLSS).
Ang TRs para sa Lifeguard Services NC ll at NC lll ay bukas na at kasama na sa mga kursong inaalok sa mga technical vocational institutions na accredited ng TESDA.
”It’s time we put in place a lifeguard training course knowing how beaches and pools are very popular in the country,” ani TESDA Director General Mamondiong.
“With a certified lifeguard around, swimmers are not at risk,” dagdag pa ng opisyal.
Layunin nito na higit pang mapabuti ang pagtugon sa kahilingan ng industriya; magtataas sa kakayahan para madaling makakuha ng trabaho, environment-friendly at susunod sa requirement ng industriya, kapwa sa kliyente at sa lipunan, community development at iba pang serbisyo sa mga manggagawa sa industriya;
Palalakasin ang industry-academe linkages para tugunan ang skill-job mismatch sa critical sectors na ito; at bubuo ng training at assessment infrastructure para sa pagpapahusay sa mga lifeguards.
“New and existing training programs registered under the No Training Regulations (NTR), or LGU/industry/other government programs relating or leading to Lifeguard Services NC ll and Lifeguard Services NC lll shall be covered by this Circular,” ani Mamondiong.
Ang training regulation ay pinagtibay ng TESDA Board noong December 2015.
Upang matiyak na maipatupad ang nasabing mga TRs, inatasan ang lahat ng mga Regional/Provincial Directors na itaguyod at isagawa agad ng registration at re-registration sa nabanggit na mga programa.
Kaugnay sa assessment fees, ang Lifeguard Services NCll ay P660 bawat candidate at P670 naman para sa Lifeguard Services NC lll.
Share this page