April 5, 2018
Mahigpit na binalaan ni Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director, Sec. General Guiling A. Mamondiong ang mga Technical Vocational Institutions (TVIs) na papatawan ng parusa at kanselahin ang mga nakarehistrong mga programa sakaling mapatunayang nagkakaroon ng anomalya sa pamamahagi ng mga scholarship programs ng ahensya.
Ang babala ay nakapaloob sa isinumiteng ulat ni Mamondiong kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipinadala nitong Memorandum to the President na ipinadala sa Malacanang.
“In due time, we will be cancelling registered programs and sanction TVIs if the inspections which we have been conducting for the last two (2) months, and hope to complete this April, will reveal anomalies in their respective allocation of scholarship slots and absorptive capacities,” babala ni Mamondiong.
Kasabay nito, at ayon na din sa mga “rumors” na kumakalat tungkol sa sabwatan, nagpatupad din si Mamondiong ng “reassignment” ng mga Regional at Provincial Directors ng ahensya.
I apologize to the Directors but if only to prove that under my watch there is no corruption, I had to do it and I am doing it,” pagpapaliwanag pa ni Mamondiong.
Itinalaga din ng opisyal ang mga Regional Directors na siyang may awtoridad na mamahagi ng mga scholarship slots upang maiwasan na ang pagkaka-delay sa pagpapatupad nito. Aniya, ang “tendering system” na ipinatupad sa awarding ng scholarships sa mga TVIs noong 2017 ang naging sanhi sa pagkakaantala sa implementasyon ng scholarship program.
“Because the tendering system had caused a delay in the implementation of the scholarship program, the authority to award the scholarship grants has now been delegated to the Regional Directors,” dagdag pa ng hepe ng TESDA
Inatasan ang mga Regional at Provincial Directors na isumite ang mga pangalan ng scholarship beneficiaries sa lugar na kanilang nasasakupan para sa karagdagang beripikasyon at validation upang maiwasan ang mga ‘ghost’ scholars.
Nakapaloob din sa nasabing report ang mga naging aksyon ng ahensya upang matiyak na graft free ang ahensya.
Kabilang dito ang mga isinagawang mga internal audits, technical audits sa lahat ng mga rehistradong tech-voc program sa buong bansa noong 2017 na 100% na naisakatuparan.
Noong 2017 hanggang 2018 ay nagsagawa rin ng mga spot inspections sa mga TVIs at registered programs para papanagutin ang mga sangkot na opisyal at empleyado sa katiwaliaan alinsunod sa TESDA Code of Conduct at pagpapatupad ng Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE).
Ang mabilis na paglutas sa mga reklamong administratibo at gayundin ang pagsulong ng democratic governance sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang oversight agencies, non-government agencies at international bodies ay inutus din ng TESDA Secretary.
Kasama rin dito ang TESDA chief noong 2017, ay naglibot sa lahat ng rehiyon at probinsya upang magsagawa ng public consultations kung saan inihayag nito ang cash reward na P50,000 pabuya sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon ukol sa nangyayaring anomalya sa ahensiya.
“To this date, nobody has come forth with any substantiated complaints regarding this matter,” dagdag ni Mamondiong
Paghihigpit sa pag-a-award ng mga scholarship programs tulad ng Training for Work Scholarship Program (TWSP) at Special Training for Employment Program (STEP) ay inihanay sa National Technical Education and Skills Development plan (NTESDP) 2017-2022 at 17-Point Reform Agenda ng TESDA bilang suporta sa hangarin ng administrasyon tungo sa kaunlaran ng bansa.
Hinigpitan din ang procurement process at sinigurado na ito ay naaayon sa R.A. 9184 lalong-lalo na ang pamimili ng mga starter toolkits para sa Special Training for Employment Program (STEP) kung saan bago ito i-award ang kontrata kailangan itong sumailalim sa deliberasyon at pag-aproba ng TESDA Board bilang head ng procuring entity.
Tiniyak ni Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General, Sec. Guiling A. Mamondiong na paninindigan nito na maging graft free ang ahensiya sa ilalim ng kanyang pamamahala. “While we do not claim to have perfect control mechanisms over possible areas of corruption, we remain steadfast in our fight against corruption and our resolve towards providing the best service to our citizens,” pagwawakas nito.
Share this page