March 20, 2018
Pangungunahan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang paglulunsad ng Community-Based Skills Development Program for the Indigenous Peoples (IPs) and Cultural Communities na naglalayon na pangalagaan ang mga katutubong kultura, at sining at pagpapaunlad sa pamumuhay ng mga IPs sa buong bansa.
Ang 5-day Community-Based Skills Development Program for the Indigenous Peoples (IPs) and Cultural Communities na dadaluhan ng piling mga empleyado ng TESDA sa buong bansa ay gaganapin sa Iloilo City sa darating na Marso 19-23 taong kasalukuyan.
Ayon kay TESDA Chief, Sec. Guiling Mamondiong, layunin nito na paigtingin ang mga programa ng gobyerno para makonserba at pangangalagaan ang mga katutubong sining at kultura ng mga indigenous communities sa bansa kung saan ituturo o ipapasa ng mga cultural masters sa mga kabataan ang may 37 iba’t ibang ‘ethnic arts’ at sining na nanganganib nang mawala.
Ang mga art forms na ito ay kinabibilangan ng beads-making, embroidery, weaving, panggagamot, performing arts (awit, music, sayaw, chant) at iba pa.
Layon nang gaganaping ‘capability building program’ na bumuo ng mga sustainable economic development na mga programa tailor-fit para sa mga IPs, kasama dito papadaliin din ang pagpasok sa mga programa at serbisyo ng technical and vocational education and training (TVET), pati ang technology-based community training programs, scholarships, enterprise development, ang mga kikilalaning miyembro ng SLT at IP communities.
Ang bubuohing training programs ay ibabatay para sa kanilang pangangailangan at mga available resources sa kanilang komunidad.
Ito ay katulad sa pakikipag-partner ng TESDA sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) na naglalayon na bigyan ng suporta sa pamamagitan ng training program ang mga miyembro ng IP groups upang gawin silang competitive at productive individuals partikular sa kani-kanilang mga lugar.
Kasama din sa pag-uusapan ang proseso sa pagpapaunlad at pagbuo ng nararapat na curriculum, learning modules, assessment tool, at trainer/learner guides na kailangan para suportahan ang training programs para makapag-produce ng mga graduates na makakagawa at makakalikha ng mga authentic traditional arts and techniques.
“In addition, a multiplier training approach will be adopted entailing a support fund of Php 60,000.00 per region that will be downloaded upon submission of the approved regional action plans to TESDA Central Office,” ani Mamodiong.
Kasama sa mga resource persons ay mula sa NICP, NCCA, at SLT Zonal Coordinators.
Ang mga participants ay magkakaroon din ng cultural tour guiding sa Calinog SLT at video coverage ng art form (paghahabi) at profiling ng SLT at IP communities.
Ayon sa datos ng NCIP, mayroong 110 IP grups and sub-groups sa buong Pilipinas. Samantala sa data ng NCCA-SLT, karamihan sa mga indigenous communities ay matatagpuan sa mga rehiyon ng CAR, lV-A, Vl, Vll, Vlll, Xl, Xll, at ARMM na pawang may kanya-kanyang natatanging mga “disenyo at pamamaraan sa kanilang sining”.
Share this page