March 4, 2018
Ibibida ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang mga matatagumpay na kababaihang TVET graduates sa larangan ng mga non-traditional trades tulad ng konstruksyon, welding, plumbing, automotive at iba pa, sa idaraos na 2018 Women’s Conference sa Marso 4 taong kasalukuyan.
Ang Women’s Conference ay gaganapin sa Tandang Sora Hall, TESDA Women’s Center (TWC). Ang registration ay magsisimula alas-8:30 ng umaga.
Ito ay sa pakikipagtulungan ng mga international group na Building and Wood Workers International (BWI), isa sa mga global union federations, na ang sakop ay building, wood and forestry sector na may 12 milyon miyembro at U.S. Sisters in the Building Trades, isang U.S. based tradeswomen group of contruction workers.
Ayon kay TESDA Director General Guiling “Gene” Mamondiong, magandang pagkakataon ito para ma i-promote ang mga aktibidad ng ahensya para sa Gender and Development (GAD) upang palawakin pa ang pagpasok ng mga kababaihan sa mga non-traditional trades.
Ilan sa mga world class at matatagumpay na mga kababaihang TESDA technical and vocational (tech-voc) graduates ay sina Rebecca Sadang Liyad (General Welding & Steel Fabrication) , Marilyn O Tusi, (Gas Metal Arc Welding NC lll) at Irene F. Mendoza (Gas Metal Arc Welding NC lll) ; sa kursong autmotive ay sina Jonnalyn A. Navarossa , (Automotive Servicing NCl l, ll, 1lll & lV), Nina A. Rivero,(Automotive Servicing NC ll) , at Leah Rose G. Cruz,(Automotive Servicing)
Ipinaliwanag naman ni Teresita “Tes” M. Borgonos, project coordinator ng BWI Asia Pacific Region layunin nito na ibahagi ang kaalaman at karanasan, ipakita ang mga magandang gawain at tagumpay ng mga kababaihan at pag-aralan ang mga solusyon para maka-produce ng positibong pagbabago sa local at pandaigdigan para sa mga kababaihan sa construction industry.
Idinagdag pa ni Borgonos, na ang kumperensya ay magandang pagkakataon din upang ipakita na ang TESDA ay hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
Ang target participant’s ay mahigit sa 300 women delegates mula sa Sisters in the Building Trades, BWI, TESDA Women’s Center graduates at trainers.
Samantala, ang BWI ay may apat na affiliates sa Pilipinas: ang Associated Labour Union (ALU), Association of Construction and Informal Workers (ACIW), Federation of Free Workers (FFW) at National Union of Building and Construction Workers (NUBCW).
Share this page