February 23, 2018
Upang lubusan nang maisakatuparan ng gobyerno ang hangarin nitong maiangat ang antas ng kabuhayan at pamumuhay ng may 28 milyon katutubo , mga rebel returnees at mga Muslim Pinoys , inilunsad ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang National Integration Scholarship Program (NISP) sa National Capital Region, Region lV-A, Region 1V-B at sa Region lll.
Ang programa na may temang “Serbisyong Ramdam at Kapaki-pakinabang” ay gaganapin sa TESDA Covered Court, TESDA Complex, Taguig City na magsisimula alas-9:00 ng umaga ngayong umaga (February 23, 2018) na pangungunahan ni TESDA Director General Guiling “Gene” Mamonding.
Ito ay dadaluhan ng may 800 participants na kinabibilangan ng mga rebel returnees, IPs at Muslim Filipinos na mula sa Region lV-A o CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas,Rizal, Quezon), Region lV-B o MIMAROPA (Marinduque, Mindoro Occidental, Mindoro Oriental, Palawan, Puerto Princesa, Romblon), National Capital Region (NCR) , at Region lll.
Kabilang sa mga aktibidad ay ang orientation ng iba’t ibang TESDA Scholarship programs, libreng gupit at masahe, product demos, cultural presentation at ang paglalagda ng manifesto tungkol sa skill training programs para sa IPs, rebel returnees at Muslim Filipinos.
Layunin nito na mabigyan ng libreng skills training ang mga interesado at kuwalipikadong mga katutubo gayundin ang mga rebel returnees at Muslims sa iba’t ibang technical-vocational (Tec-Voc) courses ng ahensya upang mabigyan ang mga ito ng pagkakataon na magkaroon ng sapat na kasanayan na kanilang magagamit sa paghahanap ng pagkakakitaan.
Ang programang ito ay nakapaloob sa pinagtibay na Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan nina Mamondiong at Leonor T. Oralde-Quintayo, chairperson ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) noong Pebrero 28, 2017.
Ang programa ay una nang inilunsad ni Mamondiong sa Davao, Cebu, Butuan , Pagadian City at Caraga at Baguio City .
Sa kanyang pagsasalita sa harap ng may 136 IP chieftains sa Northern Mindanao at Caraga Administrative Region(CAR) na dumalo sa idinaos na National Integration Scholarship Program (NISP) Forum sa Butuan City, sinabi ni Mamondiong na ito ang direktiba sa kanya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
“Ibibigay sa inyo ang dapat na ibibigay sa inyo”, paniniyak ni Mamondiong,
Aniya nais tulungan ng TESDA ang mga IPs at Muslim dahil kadalasan sila ang hindi nakakapagtapos ng pag-aaral dahil sa kahirapan.
“Mindanaoan people must take advantage to the development programs for IPS since our President, Rodrigo Roa Duterte who hailed from Mindanao and also has an indigenous people’s blood running through his veins poured out billions of pesos of priority programs and projects to uplift the quality of life of his constituents”,pahayag ni Mamondiong sa pagsasalita naman nito sa idinaos na NISP forum sa Pagadian City.
Ayon kay Mamondiong, matapos ang skills training, ang mga magtatapos na trainees ay bibigyan ng mga “livelihood opportunities”.
" TESDA will be coordinating with concerned government agencies for the realization of the program such as the Department of Trade and Industry (DTI), Land Bank of the Philippines (LBP), Department of Agriculture (DA), at Department of Agrarian Reform (DAR)," ani Mamondiong.
Share this page