January 28, 2018
Ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ay magdaraos ng dalawang araw na National TVET Enrolment with Jobs Fair para sa mga gustong makapag-sanay ng technical and vocational education and training (TVET) at sa mga graduates nito.
Ito ay gaganapin sa darating na Pebrero 27 at 28 at sa Agosto 25 at 26 taong kasalukuyan, base sa memorandum na ipinalabas ni TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” A. Mamondiong, para sa mga regional at provincial directors ng ahensya.
“People will see us near their homes or places of work. More than ever, we will make it very easy for anyone interested to enrol in a tech-voc course,” ani ng hepe ng TESDA.
Ang programa ay sabay-sabay na isasagawa sa mga munisipalidad at kapitolyo ng mga lalawigan at sa ibang lugar na tutukuyin na pagdarausan ng mga kinaukulang opisyal na siyang aayos sa kaganapan. Sa mga lungsod, ang enrolment at jobs fair ay isasagawa sa bawat distrito.
Mag-iimbita rin ng mga katuwang na mga negosyante, employers at industriya upang lumahok sa jobs fair.
“Another purpose of this activity is to recruit qualified TVET graduates, most specially for construction-related jobs, such as electricians and plumbers, which are in great demand now that the administration’s ‘Build, Build, Build’ infrastructure program is fast gaining momentum,” dagdag pa ni Mamondiong.
Hinimok ng opisyal ang publiko na gustong makapagsanay sa mga iniaalok na kursong vocational ng TESDA na lumahok at magpatala sa gaganaping 2-araw na National TVET Enrolment upang magkakaroon ng sapat na suplay ng mga magagaling na technicians, technologists at manggagawa ang bansa.
“We are inviting everyone to avail of this opportunity that we will be bringing almost to your doorsteps. Likewise, this will be a perfect chance for our industry partners to enlist the services of the most qualified tech-voc graduates for their vacant positions,” paghihikayat ng TESDA Director General.
Kasabay nito, ang patuloy na idinaraos na Barangay Skills Mapping Program ay naglalayon na palakasin at siguraduhin na walang mapag-iwanan sa mga skills training program ng gobyerno particular sa mga lalawigan.
Share this page