January 26, 2018
Nakipagkasundo ang Technical Education and Skills and DevelopmentAuthority (TESDA) sa isang media group upang malinaw at higit pang mapalawak ang pagpapakalat ng mga impormasyon sa publiko ang mga bagong programa at serbisyo ng ahensya.
Ito ay sa pamamagitan ng nilagdaang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng TESDA at Filipino Mirror Media Group Corporation (FMMGC) kahapon.
Ang MOA ay nilagdaan nina TESDA Secretary Guiling “Gene” A. Mamondiong at Marvin N. Estigoy ,VP Advertising Sales ng FMMGC na sinaksihan na sinaksihan nina G. Alvin S. Feliciano, TESDA deputy director general at Jocelyn L. Siddayao, general manager ng FMMGC ng nasabing media group.
Sa kanyang mensahe sa signing ceremony, sinabi ni Mamondiong na mahalaga ang papel at gawain ng media upang maiparating at maipakalat sa mga tao ang mga gawain at accomplishment ng gobyerno.
Aniya, kahit anong ganda ng mga ginagawa at programa ng gobyerno, hindi ito maiparating sa publiko kung walang tulong ang media.
Nagpasalamat naman si Estigoy sa nasabing kasunduan dahil malaki ang maitutulong nito upang makarating sa kanilang mga readers particular yaong mga gustong magnegosyo at matuto sa mga iniaalok na serbisyo at programa ng TESDA.
Ang TESDA ay magkakaroon ng dalawang kolum na libreng artikulo sa tabloid na Pilipino Mirror na dalawang beses na lalabas sa loob ng isang lingo sa nasabing pahayagan. Ito ay tuwing araw ng Martes at Huwebes..
Ang kasunduan ay magtatagal sa loob ng isang taon na opisyal na magsisimula sa Enero 25, 2018.
Share this page