January 18, 2018
Aabot sa 10,000 mga internally-displaced persons (IDPs) mula sa Marawi
City, bunsod nang naganap na giyera sa lugar, ang inaasahang
makikinabang mula sa Expanded Emergency Massive Skills Training
Program (EEMSTP) na ipatutupad ng Technical Education and Skills
Development Authority (TESDA).
Ipinaliwanag ni Director General/Secretary Guiling “Gene” A.
Mamondiong na layunin ng EEMSTP na lumikha ng mga trabaho at gawin
ang IDPs bilang mga construction workers sa pamamagitan ng pag-alok
sa kanila ng mga construction-related courses na may kinalaman sa
mga proyekto ng Task Force Bangon Marawi na tutulong sa gobyerno
upang muling ibangon ang Marawi City.
Ang target na mga benepisaryo ng programang ito ay ang mga IDPs mula
sa Marawi City, Lanao del Sur, Iligan City, Lanao del Norte at Cagayan
De Oro City. Sila ay pipiliin sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa
mga kinauukulang local government units (LGUs), national government
agencies (NGAs) at Task Force Bangon Marawi.
"In the interest of service and in order to immediately address the
existing need of the Task Force Bangon Marawi for skilled workers in
the construction sector and to continue assisting the government for
disaster rehabilitation and recovery for rebuilding lives in Marawi
City as a result of crisis brought by armed conflict, an Expanded
Emergency Massive Skills Training Program for the Internally Displaced
Persons from Marawi City is hereby adopted," ani Mamondiong sa
ipinalabas nitong TESDA circular.
Ang mga kursong iaalok na may kaugnayan sa konstruksyon ay Carpentry
NC11, Masonry NC I, SMAW NC I, Electrical Installation and Maintenance
NC II, Pipefitting NC II at Heavy Equipment Operation (HEO).
"The EEMSTP shall offer construction-related courses (cluster of
competencies) that are in-demand in the area intended for the repair,
reconstruction, and rehabilitation of houses and community
infrastructures," dagdag pa ni Mamondiong
Ipinag-utos ni Mamonding na agad na ipatupad ang nasabing programa.
Noong November 2017, ang TESDA ay nag-alok ng mga kurso sa ilang IDPs
sa Marawi City. Ito ay ang mga kursong cake making; dressmaking;
massage therapy; Carpentry, paghahanda at pagluluto ng pagkain;
pastry making; T-shirt silk screen printing; paghahanda ng mga
poultry at vegetable dishes; agri-crops production.
Share this page