October 27, 2017
Pinangunahan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang ginanap na 2nd National Quality TVET (Technical-Vocational Education and Training) Forum na layuning maiangat ang kalidad ng TVET sa bansa.
Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong, ginanap ang naturang forum noong October 27 (Friday) sa Crowne Plaza Manila Gelleria Hotel na matatagpuan sa Ortigas Avenue, Quezon City.
Tema ng forum ngayong taon ang “Philippine TVET: Journey Towards Achieving International Quality Standards” kung saan ay dinaluhan ito ng humigit kumulang 650 participants na sinimulan dakong 8:00 ng umaga.
Kabilang sa mga dumalo sa pagdiriwang ang mga TVET providers (private and public), iba’t-ibang industry associations, TESDA Technical Institutions (TTIs) administrators, regional at provincial directors ng TESDA, mga representante ng Technical Vocational Institutions (TVIs) at iba pang stakeholders.
“We wish to establish and strengthen trust in our TVET system for our valuable clients: the unemployed, underemployed, displaced workers, career shifters, new entrants to the labor force, high school graduates and even college and post-graduate students, that they may view TVET as a viable step towards a better, more productive life”, sabi ni Mamondiong sa kanyang mensahe.
Naging katuwang ng TESDA sa pag-organisa sa naturang forum ang TechVoc Schools Association (TVSA) of the Philippines na hangaring maipaunawa ang kahalagahan ng TVET at hikayatin ang TVIs na magkaroon ng mataas na kalidad ng technical-vocational education.
“The forum shall serve as venue for exchanging information and best practices/experiences of our neighboring countries in achieving high quality, relevant, effective and accessible TVET program for all”, nakasaad pa sa inilabas na memorandum circular ni Mamondiong.
Bahagi din ng nabanggit na programa ang pagbibigay ng pagkilala sa lahat ng TVIs na mayroong TVET programs na nakakuha ng STAR level award at nagkaroon ng Asia Pacific Certification Commission (APACC) accreditation.
Share this page