October 23, 2017
Iminungkahi ni Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong sa Global Education Supplies and Solutions (GESS) Conference ang pagbuo ng Development Council na magpapalakas sa Technical Vocational Education and Training (TVET) sa mga bansang kasapi ng Association of South East Asian Nations (ASEAN).
Ayon kay Mamondiong na naging keynote speaker sa ginanap na 3rd Edition ng GESS Exhibition and Conference na idinaos sa Jakarta Convention Center sa Indonesia, sa pamamagitan ng pagkakaroon ng ASEAN TVET Development Council ay magkakatulungan ang mga kasapi ng ASEAN para mapaunlad ang technical-vocational sa kani-kanilang bansa.
“The council is geared towards an improved workforce competitiveness, market-response workforce skills, enhanced productivity, and increased employability by facilitating closer coordination among ASEAN TVET Agencies”, nakasaad pa sa talumpati ni Mamondiong.
Ang 3rd Edition ng GESS Exhibition and Conference na ginanap noong September 27 hanggang 29 ay sinuportahan ng Ministry of Education and Culture; Ministry of Research, Technology and Higher Education; Ministry of Religious Affairs at Jakarta Education Board.
Bukod kay Mamondiong, dumalo din sa ginanap na conference ang matataas na opisyal ng Indonesia na kinabibilangan nina Catur Luswanto, Javier Luque, M. Zein, Ananto Kusuma Seta, Sylviana Murni, Armain Arief, Ali Gufron, Jumain Ape, Peter Massey at iba pang kinatawan ng mga bansang kasapi sa ASEAN.
Ibinida rin ng kalihim sa ginanap na okasyon na simula nang maitalaga ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa naturang ahensiya ay sinimulan na rin nitong ilapit sa mga mahihirap na mamamayan at marginalized sectors ang TVET programs.
“We are bringing TVET programs closer, to those who need them most-the poor and the marginalized. We see to it that our programs are accessible to all our target beneficiaries, from the urban areas to the smallest and most remote communities”, saad pa ni Mamondiong.
Share this page