October 18, 2017
Nagsanib puwersa ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at ang International Organization for Migration (IOM) upang magkaroon ng kaganapan ang Association of South East Asian Nations (ASEAN) workshop on competency certification system na idinaos sa Sofitel Philippine Plaza Manila nitong nakalipas na October 16 at 17.
Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong, layunin ng workshop na ito na suportahan ang implementasyon ng ASEAN Guiding Principles upang makilala ang galing at kasanayan ng mga trabahador ng iba’t-ibang ASEAN Member States (AMS).
“We need to make sure that our workers’ qualifications are properly recognized in ASEAN countries to guarantee that they will end up doing the jobs that match the skills that they have”, sabi pa ni Mamondiong.
Aniya, malaki ang maitutulong ng naganap na workshop sa TESDA dahil masusuring mabuti ng ahensiya kung ano ang mga pagkukulang ng kanilang assessment at certification system kumpara sa iba pang miyembro ng ASEAN.
“For a welder, chef or IT professional from the Philippines to compete with those from Singapore, Thailand or Malaysia, their credentials will have to be at par with their foreign counterparts and potential employers should also be able to clearly understand our workers’ capabilities”, dagdag pa ng kalihim.
Inirekomenda din ng TESDA sa mga dumalo sa ginanap na workshop ang pagkakaroon ng TVET Council na siyang tututok sa pagpapalakas ng technical-vocational sa mga bansang kasapi ng ASEAN.
Bukod sa TESDA at IOM, dumalo din sa ginanap na workshop ang ASEAN secretariat at delegates, industry representatives at iba pa kung saan ay nagkaroon ng pag-aaral kung paano tutularan at lilinangin ang qualifications frameworks at skills standards ng mga kasapi sa ASEAN.
Napag-alaman na ang ASEAN Guiding Principles for Quality Assurance and Recognition of Competency Certification Systems ay ipinaunlad noong 2016 upang makapagbigay ng gabay na magagamit para magkaroon ng sapat na galing at kasanayan ang mga trabahador sa AMS.
Share this page