September 10, 2017
Umabot sa 50% ng mga training institutions ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang pumasa sa isinagawang nationwide technical audit ng ahensiya na layuning mapahusay ang pagbibigay ng skills training sa mga Filipino.
Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong, sa pamamagitan ng isinagawang technical audit ay matitiyak ng ahensiya na mabibigyan ng tamang kasanayan ang mga trainees na kanilang magagamit sa paghahanap-buhay sa loob at labas ng bansa.
Kabilang sa mga isinailalim sa nationwide technical audit ay ang facilities, equipment at faculty ng lahat ng TESDA Training Institutions (TTIs) at Technical Vocational Institutions (TVIs) sa buong bansa.
“Of these training centers, 50% were found to be capable and compliant with our training regulations, 29% are non-compliant and 21% closed their programs, rendering the reduction of our registered programs to 14,347 from 18,288”, sabi pa ni Mamondiong.
Umaasa si Mamondiong na bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022 ay madagdagan ang registered programs sa TESDA dahil isa itong paraan ng pagtulong sa ating mga kababayan.
“We are targeting to register in cooperation with the industry 50,000 programs before the end of the term of the President, which is a must, because for every program or qualification we developed, we are creating jobs and means of livelihood for our people as a natural consequence”, dagdag pa nito.
Samantala, nagsagawa din ng Tendering System ang TESDA sa pamamahagi ng scholarship sa mga TVIs upang matiyak na may kapasidad ang mga training centers na mabibigyan nito at kakayahan sa pagbibigay ng skills training bukod pa sa binuong National Inspectorate Group (NIG).
“We have created NIG to see to it that our training regulations are religiously observed by the training centers, that our training exist physically, and that our trainees/scholars are real, not ghosts”, pagtatapos pa ni Mamondiong.
Share this page