August 18, 2017
Dahil sa patuloy na pagbibigay ng importansiya at pagkakataon ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa mga kababayan nating minsang naligaw ng landas dahil sa paggamit ng iligal na droga ay umabot na sa 13,258 drug dependents ang napagkalooban ng skills training sa buong bansa.
Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong, nang simulan ng kanyang pinamumunuang ahensiya ang programa na nagbibigay ng skills training sa mga drug dependents ay marami na ang nagka-interes na makakuha nito.
Aniya, noong isang taon lang nang simulan ng TESDA ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga drug dependents at hanggang nitong Hunyo ng kasalukuyang taon ay umabot na sa naturang bilang ang mga nabibigyan ng kasanayan na kanilang magagamit sa pagbabagong buhay.
Base sa nakalap na impormasyon sa tanggapan ni TESDA Deputy Director General for Operation Alvin Feliciano na siya ring officer-in-charge sa skills training ng drug surrenderees, sa naturang bilang ay ang Region 3 (2,165) ang may pinakamataas na mga drug dependents na nabigyan ng skills training habang ang may pinakamababa naman ay ang Region 8 (77).
Samantala, sa Cordillera Administrative Region (CAR) ay may 233 drug dependents na nabigyan ng skills training; National Capital Region (NCR) – 644; Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) – 145; Region 1 – 1,416; Region 2 – 854; Region 4A – 974; Region 4B – 2,057; Region 5 – 244; Region 6 – 359; Region 7 – 359; Region 9 – 599; Region 10 – 601; Region 11 – 580; Region 12 – 1, 232 at CARAGA Region – 719.
Sinabi pa ni Mamondiong, inaasahan na ng TESDA mas madaragdagan pa ang bilang ng mga drug dependents na magpapatala para makakuha ng skills training base na rin sa naging resulta ng kanilang barangay skills mapping sa bawat rehiyon.
“As part of this Agency’s two-pronged strategy for poverty reduction, we are striving for social equity by making technical vocational education and training available and accessible to more and more of our countrymen who have otherwise been neglected. We have opened our doors wider to drug dependent surrenderers and their family members; to the out-of-school youth; the unemployed; for returning OFWs and their dependents; to those in the basic and marginalized sectors; to family members of the AFP and PNP personnel killed or wounded in action; and, to inmates and detainees including their families”, sabi pa ni Mamondiong.
Share this page