August 9, 2017
Upang higit pang makapagbigay ng serbisyo sa taumbayan ay nagsanib puwersa ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at ang Department of Trade and Industry (DTI) para sa pagpapatupad ng Skills Training for Employment/Entrepreneurship Program (STEEP).
Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong, noong August 7 (Monday) nang isagawa ang pirmahan ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng dalawang ahensiya ng gobyerno sa Makati City.
Sa pamamagitan ng kasunduang ito ay mas mabibigyan na ng oportunidad ang mga nagtapos ng Skills Training for Employment Program (STEP) at iba pang kahalintulad na scholarship programs ng TESDA na magkaroon ng pagkakakitaan sa pamamagitan ng Trabaho, Negosyo at Kabuhayan (TNK) Program ng DTI.
“The project aims to provide interventions through skills development by providing access to training on entrepreneurship to graduates of TESDA program for self or wage employment to uplift their economic status”, nakasaad pa sa nilagdaang MOA.
Bukod kay Mamondiong na siyang kumatawan sa TESDA ay lumagda din sa MOA si DTI Secretary Ramon Lopez habang naging saksi naman sina Undersecretary Zenaida Maglaya; Bureau of Small and Medium Enterprise Development Director Jerry Clavesillas; TESDA Deputy Director General for Partnership and Linkages Rebecca Calsado at Deputy Director General for TESD Operation Alvin Feliciano.
Nakasaad sa MOA na responsibilidad ng TESDA ang paglalaan ng listahan ng mga graduates ng STEP at iba pang kahalintulad na scholarship programs at tumulong sa pagbibigay ng entrepreneurship training.
“Assess and select beneficiaries from TESDA’s certified STEP graduates using an instrument that shall pre-qualify the graduates; provide entrepreneurship training to selected beneficiaries, subject to the usual accounting and auditing rules and regulations; assist the selected beneficiaries in the availment of the micro financing facilities; provide the selected beneficiaries access to start-up capital for micro enterprises; facilitate business registration to beneficiaries who wish to engage in business/sole proprietorship; monitor and evaluate the progress of the selected beneficiaries and provide recommendation to further enhance the project”, ito naman ang magiging tungkulin ng DTI base na rin sa nakasaad sa MOA.
Share this page