May 23, 2017
Magsasagawa ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng nationwide registration para sa mga trainors at assessors upang higit pang mapaganda ang pagbibigay ng kasanayan sa Technical Vocational Education and Training (TVET) sa bansa.
Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong, ilulunsad ang nationwide registration para sa mga trainors at assessors sa June 7 hanggang June 15 ng kasalukuyang taon.
“In view of improving the human infrastructure of both training and assessment with the end of expanding the absorptive capacity of training providers, a Nationwide Registration of Trainors and Assessors shall be launched on June 7, 2017 and shall run until June 15, 2017”, nakasaad pa sa memorandum na nilagdaan ni Mamondiong.
Kasabay nito, inatasan din ni Mamondiong ang lahat ng regional/provincial/district directors ng TESDA na makipagtulungan sa pag-organisa at pagplano sa mga aktibidades ng gaganaping nationwide registration.
Sa darating na July 3 ng kasalukuyang taon ay sisimulan ng TESDA ang pagbibigay ng TM1 (Trainers Methodology Level 1) at kinakailangang National Certificate (NC) sa mga bagong trainors/assessors habang para naman sa mga datihan ay magsisimula rin sa parehas na petsa ang pagbibigay ng “industry immersion at skills upgrading”.
“A detailed Implementing Guidelines regarding this shall be provided to operationalize the registration which in turn will be the basis for the awarding of TM1 and other scholarship assistance to trainors/assessors”, base pa sa inilabas na memorandum ni Mamondiong.
Umaasa si Mamondiong na sa pamamagitan ng gaganaping nationwide registration ng ahensiya ay mas mapadadali na sa TESDA ang pagkuha sa mga magagaling na trainors at assessors sa buong bansa.
Share this page