May 1, 2017
Magiging magkatuwang na ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at ang Ministry of Education and Higher Education ng State of Qatar para sa Technical Vocational Education and Training (TVET) upang mapaunlad ang technical vocational ng dalawang bansa.
Kamakailan ay lumagda sa Memorandum of Understanding (MOU) sina TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong at State of Qatar Ministry of Education and Higher Education Mohammad bin Abdul Wahed Al-Hammadi na sinaksihan naman nina Pangulong Rodrigo Duterte at Emir of Qatar His Highness Sheik Tamim Hamad bin Khalifa Al Thani.
Sa pamamagitan ng MOU na nilagdaan sa Amira Diwan Royale Palace sa Qatar noong April 16 ng kasalukuyang taon, magkakatulungan ang dalawang bansa upang mapaangat ang mga programa ng TVET sa Pilipinas at Qatar.
Naganap ang pagpirma ng kasunduan sa pagbisita ni Pangulong Duterte at ng kanyang delegasyon sa Doha, Qatar.
“The pact aims to enhance hosting joint conferences, symposia, workshops and exhibitions for trainees, employees, trainers and technology institute administrators; recommend conducting joint research and technical studies which promote TVET; promote joint training programs for employees, trainers and technology institute administrators; exchange of professionals in technical areas to allow conducting training programs and studies; exchange of experts in the area of managing technology institutes; exchange and publish research, studies and relevant materials; exchange of technology programs among private sector organizations and technology institutes; and, exchange of information on mutual recognition of skills and qualifications awarded in disciplines to be identified and given priority by both participants”, nakasaad pa sa nilagdaang MOU na nakasulat sa Arabic at English language.
Palalakasin din ng MOU na ito ang ugnayan ng dalawang bansa na bukod sa usapin ng TVET cooperation ay nagkaroon din ng kasunduan sa larangan ng culture, investment at health na malaki ang maitutulong sa Pilipinas.
Naniniwala din si Mamondiong na sa pamamagitan ng TVET cooperation sa pagitan ng Pilipinas at ng Qatar ay mas lalo pang makikilala ang ating mga skilled workers sa Gitnang Silangan at iba pang bansa.
Share this page