February 3, 2017

Hiniling ni Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang bogus account sa Facebook na gumagamit sa kanyang pangalan upang magpakalat ng maling balita at impormasyon.

Ayon kay Mamondiong, dapat na matukoy ng NBI kung sino ang may gawa ng bogus account sa Facebook upang mapanagot ang mga ito sa batas dahil sa paggamit sa kanyang pangalan sa social media.

 “I would like to inform and warn the public about a bogus Facebook account under my name “GENE MAMONDIONG” which had recently surfaced in the social media world. The said bogus Facebook account likewise uses my profile picture and proliferate untruthful news, banners and headlines thereby creating false impression that they are mine. I categorically state that said fake Facebook account is not mine and while I do have my own legitimate Facebook account under the name “GUILING GENE MAMONDIONG”, the same is rather inactive and no official message have been posted thereon”, sabi pa ni Mamondiong.

Binalaan din ng Director General ng TESDA ang publiko na huwag maniwala sa mga nababasa sa bogus Facebook account na nakapangalan sa kanya dahil walang kinalaman ang kanyang tanggapan sa mga nakalagay sa pekeng account na ito.

Aniya, dapat ding managot sa batas ang mga taong may kinalaman sa paggawa ng pekeng Facebook account na ito dahil isa itong panlilinlang sa mga nakababasa sa mga nakalagay sa “wall” ng bogus account na gumagamit sa kanyang pangalan.

“I had already coordinated with the National Bureau of Investigation (NBI) for the conduct of an in-depth investigation and cyber-forensic examination to determine the true identity of the culprit behind the creation of the subject bogus Facebook account. Hopefully, the perpetrator shall be exposed the soonest time possible and with much hope, to bring the same behind the bars of law and justice”, dagdag pa ni Mamondiong.