February 1, 2017
Nais ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na makagawa ng 20,000 bagong negosyante matapos na ilunsad nito ang “skillspreneurship” na layuning mabigyan ng skills training sa entrepreneurship ang mga Training for Work Scholarship Program (TWSP) graduates at iba pang nagtapos ng scholarship program ng ahensiya.
Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong, nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Labor and Employment (DOLE) para sa kanilang entrepreneurship and livelihood program upang mapadali ang implementasyon ng serbisyong ito.
Base sa plano, nais ng TESDA na magkaroon ng 20,000 entrepreneurs na siya namang kukuha ng hanggang limang empleyado bawat isa para mas marami pa ang mabigyan ng sapat na hanapbuhay.
“The program is a convergence of TESDA, DTI, DOLE, DSWD (Department of Social Welfare and Development) and the LGU (Local Government Unit). TESDA regional/provincial director will initiate and forge a partnership between and among the government agencies and or other private entities. The idea is to fuse all programs and services in entrepreneurship development. The idea is that the skills acquired in TESDA training is utilized to come up with an enterprise idea”, nakasaad pa sa konsepto ng programa.
Sa pamamagitan din ng proyektong ito ay mapalalawak pa ng gobyerno ang pagbibigay ng kasanayan para sa pagpapaunlad ng entrepreneurship sa ating bansa at ang pagkakaroon ng mga bagong ideya sa pagnenegosyo.
“Selected graduates of TESDA (TWSP scholar) will be trained on entrepreneurship development. The selection shall be done using an instrument that shall pre-qualify the graduate. The instrument may be provided by DTI. DTI will be tapped for the entrepreneurship development program and will nurture the graduates, feasibility study preparation including marketing until they are able to set up their own enterprise”, kabilang din sa konsepto ng skillspreneurship.
Samantala, makatutulong din sa programang ito ang DOLE at ang DSWD sa pamamagitan ng pagbibigay sa TESDA ng capital assistance at ang pagbuo ng grupo upang maging family enterprise sa bawat lugar habang magiging papel naman ng LGU ang pagtulong upang matiyak na magtutuloy-tuloy ang itatayong negosyo sa kanilang lugar.
Share this page