05 October 2016
Upang higit pang mapalakas ang pagpapatupad ng mga programa ng kanilang ahensiya ay lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang pamunuan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at ang Liga ng mga Barangay sa Pilipinas.
 
Sa pamamagitan ng MOA na ito ay masusuyod ng TESDA ang lahat ng sulok ng mahigit sa 42,000 barangay sa buong Pilipinas upang maipatupad ang programang Barangay Kasanayan para sa Kabuhayan at Kapayapaan (BKKK).
 
Ayon kay TESDA Director General Secretary Guiling “Gene” Mamondiong, sa pamamagitan ng MOA na ito ay matutukoy na ng kanilang ahensiya kung anong skills training at livelihood programs ang nararapat sa bawat barangay dahil na rin sa mga isasagawang survey at pag-aaral.
 
Makikipagtulungan din ang Liga ng mga Barangay upang matukoy kung sino ang mga magbebenepisyo ng training programs bukod pa sa pagmomonitor ng programa at ang pagtulong sa pagpapalakas ng Technical Vocation Education and Training (TVET) sa bawat lugar.
 
“The main objective of the BKKK program is to provide suitable skills training programs at the barangay level.  Establishing close links with barangay chairpersons across the country is the best way to ensure that we can bring TVET programs right at the doorsteps of those who most deserve and need them,” sabi pa ni Mamondiong matapos ang isinagawang MOA signing.
 
“To reduce poverty, we have to create jobs.  TVET is the perfect tool for this.  We just need to find the right persons to train and give them the best training possible.  For this program to work, we will be requiring the support of every barangay leader in the Philippines,” dagdag pa nito.
 
Nagpasalamat naman si Liga ng mga Barangay sa Pilipinas National President Atty. Edmund Abesamis sa TESDA dahil sa pagbibigay sa kanila ng kahalagahan. “We are accepting this challenge and pledge our full support to TESDA and the BKKK program,” sabi ni Abesamis.
 
Bukod kay Mamondiong at Abesamis ay kasama ring dumalo sa MOA signing sina TESDA’s Deputy Director General for Operations Alvin Feliciano, Deputy Director General for Policies and Planning Rosanna Urdaneta at iba pang opisyal ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas na ginanap sa Central Office sa Taguig.