Nag-turnover ng mga bagong gawang silya sa New Era Elementary School sa Quezon City ang TESDA, DepEd, DENR at PAGCOR. Pinangunahan ni Secretary Joel Villanueva, Director General ng TESDA at Bro. Armin Luistro, FSC, Secretary ng DepED ang paunang 200 na mga silya para sa mga bagong school buildings na itinayo sa nasabing paaralan. Ipinaalala ni Sec Joel sa mga bata ang pangangalaga sa mga silyang gawa mula sa mga nakumpiskang lumbers o "hot logs" ng Customs. Ang mga silya ay ginawa sa PNoy Bayanihan Production site sa TESDA-National Capital Region.

"Mga bata, ipinahahatid po ng ating mahal na Pangulo ang kanyang pangungumusta sa inyo at ipinaaalala din niya na alagaan ninyong mabuti ang mga silya na ito sapagkat sinuguro ng ating pamahalaan na ang mga ninakaw na yaman ng ating kalikasan ay mapunta sa inyo at sa mga susunod pang henerasyon... Makakaasa po bang ang ating Pangulo sa inyo...?"

"Sa TESDA, may choice ka." - SECRETARY JOEL VILLANUEVA
#tataktesda #tatakworldclass #PNoybayanihan #DENR #PAGCOR