INILUNSAD ngayong araw sa pangunguna ni SECRETARY JOEL VILLANUEVA ang TESDA's Gift of Light kung saan itinatampok ang Solar Night Light sa pakikipagtulungan sa My Shelter Foundation kasama ang Executive Director nito na si Mr. Illac Diaz. Itinampok din ang Street Solar Night Light na maaring magamit ng mga local government units sa mga lugar na wala pang kuryente. Kasama ni Sec Joel ang mga opisyales ng TESDA na sina Dir. Marty Hernandez, Dir. Sonial Lipio at Chief TESD Specialist Maria Clara Ignacio sa paglulunsad ng programa at pagpapalawak pa nito sa iba pang rehiyon. Kasama ding nag-volunteer sa mass production ng Solar Night Lights ang TESDA Tacloban RTC Trainer na si Mr. Joel Bibo at ang kanyang anak na kapwa biktima ng super typhoon Yolanda.
"Mahalaga ang isinisimbulo ng ilaw sa ating mga Pilipino lalo na sa mga panahon ngayon. Maliban sa pagiging liwanag sa ating mga tahanan, ang ilaw ay simbolo rin ng pag-asa para sa ating mga kababayan na dumanas ng hagupit ng bagyong Yolanda.... Ang proyektong ito ay munting ambag ng TESDA sa muli nating pagbangon...."
"Sa TESDA, may choice ka." - SECRETARY JOEL VILLANUEVA
#satesdamaychoiceka #tataktesda
Share this page