SA LOOB NG ISANG ARAW, 11 NA BARANGAY SA 9 NA MGA SIYUDAD AT MUNISIPYO, SA MGA PROBINSIYA NG BULACAN, PAMPANGA, RIZAL AT LAGUNA ang nabisita ni Secretary Joel Villanueva sa Anniversary Activity ng TESDA na Tulong ng TESDA Relief Operations. Pagkatapos sa Bulacan at Pampanga (na makikita sa mga unang album), tumulak si Secretary Joel Villanueva patungong probinsiya ng Rizal at Laguna at doon naman namahagi ng relief goods sa mga residenteng nasalanta ng baha dulot ng bagyong Maring at ng habagat. Unang pinuntahan ni Sec Joel ang barangay Sta Ana, sa San Mateo Rizal kung saan mainit siyang sinalubong ni Director Nenette dela Cruz ng TESDA 4A at ng mga residente.

Mula sa Rizal, agad namang tinungo ni Sec Joel ang barangay Cuyab, San Pedro Laguna para ituloy ang pamamahagi ng relief na siya namang ikinagalak ng mga residente.

Sa barangay San Antonio, lungsod ng Biñan , Laguna ang sunod na naging destinasyon ni Sec Joel. Doon naging katuwang ni Sec Joel ang mga direktor at kawani ng TESDA sa pamamahagi ng relief goods.

Sinuong naman ni Sec Joel ang barangay Macabling sa Sta Rosa kahit umuulan. Dahil na rin sa malakas na paguulan sa kaniyang mga pinuntahan, nakatatlong palit si Sec Joel ng t-shirt ng araw na iyon.

Nagpasalamat si Sec Joel kina Congressman Dan Fernandez, Mayor Rafael Diaz ng San Mateo, Rizal, Mayor Lourdes Cataquiz ng San Pedro Laguna, Mayor Lenlen Alonte ng Biñan, Mayor Arlene Arcillas ng Sta Rosa, at mga opisyal ng lokal na pamahalaan na naging katuwang ng TESDA. Pinasalamatan din ni Sec Joel ang mga kawani at direktor ng TESDA sa paguukol nila ng panahon kahit Sabado at walang pasok at kahit bumubuhos ang malakas na pag-ulan.

“Sa TESDA, may choice ka.” – SECRETARY JOEL VILLANUEVA