Pinangunahan ni Secretary Joel Villanueva ang pamimigay ng relief sa Bulacan at Pampanga. Unang nag-turn-over si Sec Joel ng mga relief goods sa organisasyon ng tricycle operators and drivers' association (TODA) sa Bulacan upang ipamahagi sa mga miyembro nito. Maraming mga tricycle drivers and hindi nakakabiyahe dahil sa baha.

Sunod na pinuntahan ni Sec Joel ay ang Barangay ng Binang sa Bulacan na malapit sa sapa kung saan kahit sa madaling pag-ulan ay umaapaw ang tubig. Doon na rin nag-almusal si Sec Joel kasama ang mga opisyal ng barangay at mga taga TESDA.

Sumunod naman ang munisipyo ng Calumpit, Bulacan kung saan marami pa ring pamilya ang nasa eskwelahan na ginawang evacuation center. Naging katuwang ng TESDA ang DSWD at ang barangay sa pagturn-over at pamamahagi ng relief goods. Naging katuwang din ng TESDA ang Citizens Battle Against Corruption (CIBAC) Partylist sa pagtukoy ng mga lugar.

Sa munisipyo naman ng Macabebe, Pampanga ang sunod na pinuntahan ni Sec Joel kasama ang mga taga TESDA katuwang ang mga organisasyon ng mga technical private institutions. Ang munisipyo ng Macabebe ay lubog pa rin sa baha at kinakailangang gumamit ng banka upang matunton ang lugar.

"Sa TESDA, may choice ka." - SECRETARY JOEL VILLANUEVA