HINDI NA PINALAMPAS ang pagkakataon ng mga TESDA Graduates na makadaupang-palad at makapag pakuha ng litrato sa kanilang kapwa TESDA Specialista na si Secretary Joel Villanueva. Ang mahigit isang libong graduates ay nagtapos ng TESDA - DSWD Cash For Training Project (C4TP) sa mga munisipyo at lungsod ng Isabela province. Ginanap ang graduation ceremonies sa Southern Isabela College of Arts and Trade (SICAT) kung saan dumalo ang ilang government officials ng ilang munisipyo na proud na proud sa kanilang mga graduates. Hanggang sa airport ay dinumog si Sec Joel ng mga kapwa niya TESDA Specialistas upang magkaroon ng pagkakataon makapagpa-picture.
"Walang mapagsidlan ang aking puso sa tuwa sa inyong mainit na pag welcome po sa amin. Ako po'y lubos na nasisiyahan sapagkat naiintindihan niyo ang layunin ng programa nating C4TP at ito ay inyong binigyang halaga. Gusto ko ring ipaalala sa inyo na kayo po ang tunay na bida sa okasyon nating ito... Ang inyong patuloy na pagtitiwala sa ating ahensiya at sa ating pamahalaan ay nagdadagdag ng lakas at inspirasyon sa amin na inyong mga lingkod-bayan.... Mabuhay po kayo at pagpalain po kayo ng ating Panginoong Diyos."
"Sa TESDA, may choice ka." - SECRETARY JOEL VILLANUEVA
Share this page