MALIBAN SA MGA SKILLS DEMONSTRATION, ang TESDA ay nagbibigay ng libreng serbisyo ng Hair Cutting, Manicure and Pedicure at Massage Therapy sa mga aplikanteng dadagsa ngayon sa 2013 Labor Day Jobs Fair sa Tarlac City. Inaasahan ang pagdating ng dalawang libong TESDA Specialistas mula sa kalapit na mga probinsiya ngayong Jobs Fair dagdag sa tatlong libong overall expected applicants. Mahigit 100 local companies na may 5,495 vacancies at 26 overseas companies na may 35,000 vacancies ang ka-partner sa ginaganap na Jobs Fair. Maliban sa mga kumpanya, narito rin ang mga pangunahing ahensiya ng pamahalaan katulad ng NBI, Philhealth at OWWA upang mapadali ang pag proseso ng mga application.
Inaasahan ang pagdating ni Pangulong Noynoy Aquino, Secretary Rosalinda Baldoz at Secretary Joel Villanueva.
"Ang TESDA ay Kolehiyo ng Trabaho. Tayo po ay patuloy na nakikipag dayalogo sa mga idustriya upang tukuyin ang mga sektor na nangangailangan ng kaalaman at kasanayan. Kung kaya't pag graduate ng ating mga trainees ay inaasahan natin na may trabahong naghihintay."
"Sa TESDA, may choice ka." - SECRETARY JOEL VILLANUEVA
Share this page