May 9, 2018
Ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at ang Southeast Asian Regional Center for Graduate Study and Research in Agriculture (SEARCA) ay palalakasin at isusulong ang “competency certification systems” para sa mga manggagawa sa agrikultura o magsasaka sa Southeast Asia.
Ito ay isasagawa sa gaganaping TESDA-SEARCA “Regional Workshop on Competency Certification for Agricultural Workers in Southeast Asia” sa darating na Mayo 9-10, 2018 sa SEARCA Headquarters, Los Baños, Laguna.
Ayon kay TESDA Director General, Sec. Guiling “Gene” A. Mamondiong, ang TESDA at ang SEARCA ay magkatuwang sa pag-organisa at pag-host ng gaganaping 2-araw na “Regional Workshop on Competency Certification for Agricultural Workers in Southeast Asia” sa Los Baños, Laguna.
Ang workshop ay naglalayon na isulong ang pagkilala sa mga competency certifications ng mga manggawa sa agrikultura ng mga organisasyon/ahensiya na nag-isyu ng nasabing certifications. Naglalayon din ito na bumuo ng rekomendasyon kaugnay sa promosyon para kilalanin ang ‘skills’ ng mga agricultural workers.
“The Workshop aims to initiate the recognition of competency certifications for agricultural workers by the organizations/agencies that issue such certifications. It also aims to develop recommendations pertaining to the promotion of skills recognition of agricultural workers,” ani Mamondiong.
Ang magiging kalalabasan ng workshop ay ihaharap sa 4th High Officials Meeting on Southeast Asia Technical and Vocational Education and Training (SEA-TVET) kung saan ang TESDA ang magho-host sa darating na Setyembre 4-5, 2018.
Kabilang sa mga inimbitahan sa workshop na ito ay ang labing-isang bansang miyembro ng Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO). Ang SEAMEO ay binubuo ng mga bansang Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Lao PDR, Malaysia, Myanmar, Philippines, Singapore, Thailand, Timor Leste at Vietnam.
Kasama sa mga resource speakers at panelists na inimbitahan para sa nasabing workshop ay mula sa International Labor Organization (ILO), ASEAN Qualifications Referencing Framework (AQRF) Committee, SEAMEO VOCTECH, mga organisasyon ng mga magsasaka, at mga ‘competent bodies’ mula sa mga bansang Indonesia, Pilipinas, Thailand, Vietnam at Malaysia.
Ang agrikultura ay ang pinaka-‘backbone” ng nakakaraming Southeast Asian economies kung saan tinatayang 450 milyon katao ang umaasa dito para pagkikitaan. Dagdag pa nito, mahigit sa kalahati ng ASEAN Member States (AMS) ay idineklara bilang development priority’ habang umaakto sa mahalagang papel para sa seguridad ng pagkain at nutrition at poverty alleviation.
Sa pagpapaunlad ng competencies ng agricultural workers ay mahalagang maitaas ang agricultural productivity at pag-adopt ng mga makabagong pamamaraan sa pagsasaka at teknolohiya, partikular sa planong paunlarin ang nasabing sector.
Share this page