February 27, 2025

Nakibahagi si TESDA Secretary Kiko Benitez sa paglulunsad ng Pasig River Rehabilitation Project Phase 3 o "Pasig Bigyang Buhay Muli,” na pinangunahan ni President Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at First Lady Louise Araneta-Marcos. sa Plaza Mexico, Riverside Drive sa Intramuros, Manila.

Ang proyekto ay naglalayong ibalik ang dating kalinisan at sigla ng Ilog Pasig bilang isang mahalagang bahagi ng kasaysayan at kultura ng bansa at hikayatin ang partisipasyon ng iba't ibang sektor sa nasabing proyekto.

#SaTESDAKayangKaya
#GanapSaTESDA