Sa 2nd TechVoc congress, pinuri ni Pangulong Aquino ang TESDA sa pangunguna ni Secretary Joel Villanueva sa mga tagumpay ng ahensiya at sa tulong nito sa pagpapaptatag ng ating ekonomiya sa pamamagitan ng mga de-kalidad at world class training para sa ating mga kababayan.

"Ang buod po ng lahat ng ito: Dahil sa mas maayos na pamamalakad, at dahil sa mas masinsing pagtutok sa pangangailangan ng ating mamamayan, may pinipitas na ngayong pagkakataon ang ating mga kababayan..."


Biniro pa ni Pangulong Aquino si Secretary Joel sa kanyang talumpati:

"Dito po tayo talagang pinapahanga ng mahusay na pamumuno ulit ni Secretary Joel. Balita ko pa, pati si Secretary Joel, nakatanggap na rin ng National Certificate Level III sa Food and Beverage Servicing. [Applause] Siguro naman, sa natitira kong dalawang taon at apat na buwan po yata, puwede natin siyang mabisita sa opisina at buong giliw niya tayong ipaghain ng masasarap na pagkain. [Applause] Nagpapasalamat na ako maski wala po ‘yong imbitasyon. [Laughter]"

-PANGULONG BENIGNO S. AQUINO III

-Sa TESDA, may choice ka." - SECRETARY JOEL VILLANUEVA
#tataktesda #tatakworldclass