NAKASAMA SI SECRETARY JOEL VILLANUEVA at ang TESDA Bataan sa relief operations ng mga media personalities kung saan kasama ang presidential sister at media celebrity na si Ms. Kris Aquino, “The Voice” Coach at miyembro ng International Pop group na Black Eyed Peas na si Apl De Ap (kasama niya ang Team Apl) at actor/celebrity Mr. Diether Ocampo sa Barangay Luakan, Dinalupihan Bataan. More than 2,500 beneficiaries ang tumanggap ng relief goods. Nakasama rin nila Sec Joel sina Governor Abet Garcia ng Bataan at Mayor Gila Garcia ng Dinalupihan, Bataan.

Kasama ang buong staff ng TESDA Bataan, nakapamigay ang TESDA ng bigas, canned goods, mineral water, noodles at iba pa sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Maring at malakas na paguulan dulot ng habagat sa ibang nahagi ng Bataan. Naging katuwang din ng TESDA ang ilang Technical-Vocational Institutes (TVIs) sa pamamahagi at pagta-transport ng mga relief goods.

"Sa TESDA, may choice ka." - SECRETARY JOEL VILLANUEVA